Matuling lumipas ang mga araw. Valentine’s Day noon. Nagkataon ding walang pasok pareho sina Sylas at Aleona palibhasa’y sabado. Perfect time sana para mag-date, pero sa halip na magpunta sila sa mamahaling fine dining restaurant o kaya’y amusement park, iyon sila at nasa sementeryo. Nag-40 days kasi si Lydia noong February 10, pero dahil may pasok si Aleona, hindi siya nakauwi. Ang ginawa na lang ay dinaan na lang ng tita niya sa videocall ang “pagdalo” niya. Ngayon pa lang siya nakadalaw. “I guess, this is not bad for our Valentine’s date,” kumento ni Sylas matapos nitong maupo sa puntod ni Lydia. “Ay wow? Ba’t ka nagrereklamo?” tanong naman ni Aleona matapos magtirik ng kandila at ipatong iyon sa tabi ng lapida. “Whoa? Wala naman akong reklamo, ha? Sabi ko nga, this is not bad for ou

