Kanina pa pabiling-biling si Aleona sa higaan. Nasa loob na sila ni Ysabel ng tent. She grabbed her phone and checked the time. Pasado alas dose na rin pala. Pinakiramdaman niya ang kaibigan. Nang masiguro niyang tulog na ito, napabuga siya ng hangin. Ba’t ba ako pumayag ulit na mag-camping? She never liked it, anyway. The idea of sleeping inside a tent never appealed to her. Natatakot kasi siya na paano kung biglang may magwakwak ng tent nila at kaladkarin sila palabas? Bumangon siya. The first thing she noticed was an orange light coming from the outside. Kung hindi siya nagkakamali, bonfire iyon. Hala? Hindi ba namin napatay yung bonfire? Bilin kasi sa kanila na patayin iyon bago sila matulog para maiwasan ang sunog. Taranta tuloy siyang lumabas. Pero agad din naman siyang kumalma

