This is the moment that Krystal is waiting for: her 18th rose. “Ladies and gentlemen, let’s give him a round of applause,” sabi ng lalaking emcee ng event. Samantalang nagsitayuan naman ang mga bisita nang maglakad papunta sa center aisle ang isang lalaking matangkad at may sobrang seryosong aura. Napasinghap na lang si Krystal habang pinapanood itong lumapit sa kanya at kuhanin siya sa 17th rose niya, which is her dad. Kahit kailan talaga ay napakagwapo nito. Not the conventional gwapo na malipit ipakita sa mga magazine, but nonetheless, gwapo pa rin sa paningin niya. He carries a very intimidating aura wherever he goes. Kahit ngayong nasa isa itong birthday party, nandoon pa rin. Parang handa itong makipagsapakan anumang oras. Kinuha ng lalaki ang kamay niya mula sa papa niya. “Hi,”

