“Hay nako, ito na nga ang sinasabi ko,” hindi maiwasang bulong ni Aleona sa sarili. Nakatayo siya sa harap ng main door ng unit ni Sylas, at hinihintay niyang pagbuksan siya nito. Hindi nagtagal, lumabas na nga si Sylas. Nagulat pa nga ito nang makita siya. “Hey, nabisita ka?” bati pa nito sa kanya habang sinasagad ang bukas ng pinto. “Tara, pasok ka.” Even without touching him, alam agad ni Aleona na mayroong lagnat ang lalaki. Matamlay kasi ito tingnan. Tapos, paos pa ang boses, at halatang congested ang ilong. “Anong gusto mong meryenda?” tanong ni Sylas habang binubuksan ang ref. “Meron akong carrot cake dito, you want?” “Wag ka na mag-abala. Alam ko namang may sakit ka,” sabi niya saka lumapit dito at kinapa ang noo nito. Tama nga siya ng hinala. Medyo mataas ang lagnat nito. “Nag

