Intramural na nang school year na iyon. Aleona could not believe kung gaano kabilis ang paglipas ng panahon. Nasa ika-apat na taon na siya sa kolehiyo. Ilang buwan na lang, magtatapos na siya. Grabe, isip niya habang inaayos ang mga paninda nila. Mayroon silang feasibility study sa sementer na iyon. Her groupmates and she decided to launch that product that week para mas madali ang kanilang product testing. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, kinakabahan pa ako dahil ako ang pinanglabang muse ng department namin. Natigilan tuloy siya sa ginagawa saka bumuntonghininga. Parang kailan lang, nagpapapansin pa sakin si Sylas. Napailing-iling na lang siya saka tinapos ang pag-aayos. Pagkuwa’y umupo siya sa monoblock chair sa likod ng stall nila. Mag-isa lang siya nang sandaling iyon. Nag

