Napakurap-kurap na lamang si Aleona nang iparada ni Sylas ang kotse nito sa harap ng isang gate na hindi siya pamilyar. Nagtataka siyang tumingin dito. Saktong pinatay naman ng lalaki ang makina ng kotse nito. “Tara,” sabi nito habang inaalis ang seatbelt sa lock niyon. Nagtataka man, sumunod na lang siya. Lumapit sila sa mataas na gate. Sylas pressed the door bell, habang si Aleona naman ay sinilip ang itsura ng bahay. It was a two-storey home na mayroong modern minimalist style. Hindi nagtagal, lumabas si Camilla mula sa main entrance. Patakbo itong lumapit sa gate upang buksan iyon. “Ang tagal mo naman, Sylas,” reklamo nito. “Sabi ko sayo, may flight ako, di ba?” Nakasuot ito ng pulang long coat na slitted sa kaliwang hita. Napakamot naman ang lalaki. “Sorry, Ma. Anyway…” Inakbaya

