It was raining really hard that night. Nakatayo si Aleona sa may sliding window, at pinapanood niyang ang paglagaslas ng tubig-ulan sa salamin. Maya-maya’y napabuga siya ng hangin. Tama ba tong ginawa ko? Isip niya. Nagsayang pa ako ng pera. Muli siyang bumuntonghininga saka gumawi sa kama at humiga. She was back in Pampanga. Napauwi siya nang wala sa oras dahil sa nalaman niya kahapon. Wala sa loob na napakapa siya sa leeg niya. She was expecting na makakapa niya ang kwintas na huling binigay ng ama. Pero wala. Kaya natawa na lang siya nang mapakla. Hindi na niya nakuha ulit ang kwintas. Tapos, inalala niya kung paano siya biglang tumayo nang sa wakas ay malala na niya kung paano niya nakilala si Sylas. She slowly backed away from her friends. Gulong-gulo siya. Hindi niya malaman kung

