Tinapos muna ni Sylas ang paglilipat ng kalat ni Eirika. Hindi naman ito nagtagal sa ginawa. Five minutes later, tapos na rin ito. “Anyway, ano palang gusto mong inumin?” tanong nito kay Aleona saka lumapit sa ref at binuksan iyon. “Meron akong lemonade dito.” “Sige raw.” Naglabas si Sylas ng inumin sa refrigerator saka lumapit kay Aleona at inabot iyon. Tapos, umupo ito sa mahabang sofa. “Beer?” nagtatakang tanong ni Aleona nang mapansin ang hawak nitong can in beer. Natigilan naman si Sylas. “Why? Ayaw mo ba sa lalaking umiinom?” “Hindi naman sa gano’n. Pero sabi mo kasi, ayaw mong uminom dahil kalagitnaan ng linggo.” “Ah. Beer lang naman ito. Di naman ako tinatamaan nito. And I need it para humimbing ang tulog ko.” Tapos, binuksan na nito ang lata saka tinungga. “Maiba lang, ba’t

