Episode 40

2556 Words

Chapter 40 Rafael Kasalukuyang nasa harap kami ng hapagkainan. Kaming tatlo nila Tita at ang kanyang anak na si Veronica. Ganadong-ganado ako na kumakain. Ang sarap kasi ng mga luto ni Tita. Pansamantala ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa presensya ni Tita. Na-miss ko ang mga luto niya. Ito kasi ang mga niluluto niya noong nabubuhay pa si Daddy. Hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit malapit ako kay Tita Victoria. Parang ito na kasi ang nagsilbi na aking ina noong bata pa ako. Simula noong pinakasalan siya ni Daddy itinuri niya na rin ako na parang tunay niyang anak. At ngayon ko lang din nakita ang nag-iisa niyang anak dahil sa Amerika ito nag-aral. “Kumain ka lang ng maraming, iho, ha? Alam ko na nami-miss mo na ang mga luto ko sa inyo ng Daddy mo.” sabi ni Tita at nilapit niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD