Chapter 47 Elena Mabilis lumipas ang panahon parang kahapon lang ang mga nangyari. Kasabay ng paglipas ng mga oras araw, linggo, at ilang buwan ay unti-unti kong natutunan na tanggapin ang pagkawala ni Ate Miranda, patuloy din ang pag-aaral ko kahit na buntis ako. Mabuti na lang at hindi araw-araw ang pasok ko sa paaralan dahil minsan sene-send na lang ng professor namin sa email ang pag-aaralan namin. Pero minsan may actual kaming ginagawa, kaya kailangan namin pumasok. Patuloy pa rin ang pagta-trabaho ko sa laboratory bilang na assign sa mga documento. Umuumbok na ang aking tiyan. Limang buwan na ito. Hihintayin ko na lang na mag-anim na buwan bago ako magpa-ultrasound. Marami ngang nakapansin na parang ang laki ng tiyan ko. Sa totoo lang nabibigatan ako sa aking tiyan. Hindi na nga ak

