CHAPTER 31 ELENA Hindi ako pinabayaan ni Tita Gema. Sinamahan niya ako sa bahay. Doon na siya natulog dahil baka ano ang gagawin ko. Tuliro pa rin ako. Nakatulala habang nakatingin sa larawan ni Ate na nakasabit sa wall. Inutusan na rin ako ni Tita magbihis dahil basang-basa kaming dalawa. Nakakawala sa sarili ang mag-isa. Ang lungkot-lungkot ng nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang matulog at hindi na magising pa. Nagluto ng na ulam na may sabaw si Tita Gema. Siya na ang nagsaing at nagluto ng hapunan namin. Nakaupo lang ako sa mahabang upuan na parang wala pa rin sa aking sarili. "Kumain ka na, Ellen. Hindi pwede na malilipasan ka ng gutom dahil baka magkasakit ka. Matulog ka pagkatapos para makapag-isip ka ng maayos,” payo ni Tita Gema sa akin. Nag-aalala rin siya na baka magka

