Kaya naman, malamang na nagbebenta siya ng ordinaryong kutsilyong pamprutas at pana! Umiling ako at sumuko sa ideya ng madaling pagclear ng stage. Tinuro ko ang card. “Ano ‘to?” “Hehehehe. Wala ito kumpara sa dalawang nakaraang divine artifacts. Ito ay isang ordinaryong patient record card,” sabi ng lalaki. “Isang patient record card?” Tanong ko sa isang nalilitong paraan. “Record card ng pasyente ng Drakonia Medical Center. Ang taong mayroon nito ay makikilala bilang pasyente sa ospital.” “Makilala… bilang pasyente sa ospital?” Bumulong ako. Sa isang iglap, napagtanto ko na ang halaga nitong patient record card ay baka mas malaki kaysa sa dalawang weapons. Ito ay katumbas ng isang permit na malayang gumala sa ospital! Isinaalang alang ang detalyeng ito, muntik ko nang gustong bilhin

