Stephanie's POV
Nakahanda na ako sa pag-uwi. Huminga ako ng malalim at nagbuga ng hangin dahil sa tense na nararamdaman ko. Nagsimula na ako maglakad palabas ng pinto at sabay kami ni Carl pumasok ng lift pababa sa ground floor.
Ninerbiyos akong sumakay sa kotse ni Carl. Ang bango ng sasakyan niya pero mas mabango pa rin siya. Umupo ako sa may passenger's seat at agad ko inayos ang aking seatbelt. Pagkatapos ko ayusin ito, lumingon ako kay Carl, busy siya sa pagpa andar ng sasakyan.
Minamasdan ko ang paraan ng paghawak niya sa manibela habang ang tingin ay sa kalsada. Lumalabas ang mga muscles niya habang dinidiin ang steering wheel. Malaya kong nakikita ang kakisigan niya dahil hinubad niya kanina ang suit niya na ngayon ay nakapatong sa likod ng driver's seat. Nakapolo siya ng short sleeve na kulay puti.
Ang sexy niyang tingnan dahil na katuck-in siya at bakat na bakat ang kanyang katawan. Lumunok na lang ako ng bigla niya akong lingunin. Bumungad sa akin ang seryoso niyang mukha kahit saglit lang ito.
Ngumiti ako sa kanya ng napaka tamis ngunit hindi na nakatingin sa akin.
Bigla tuloy ako nag-seryoso at lihim na nainis sa kanya.
Itinuon ko na lang ang mga mata ko sa labas ng bintana. Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin hanggang sa makarating kami ng condo unit ko. Lumabas ako sa kanyang sasakyan ngunit mas mabilis naman siyang nakalabas at nasa pintuan na agad habang pahakbang pa lang ako patungo sa kinaroroonan niya.
Siya na rin ang nagbukas ng pinto at di na ako nag-taka kung bakit meron siyang duplicate ng susi sa condo unit ko. Dumiretso naman akong pumasok sa loob at sumunod siya. Huminto ako sa may bar counter sa pagitan ng salas at kusina, itinuro ko ang kwarto niya.
Apat ang kwarto ng condo unit, mauna ang kwarto niya bago ang kwarto ko. Pagkatapos ko maituro ay pumasok siya agad. Ngunit ng nasa pintuan na siya, ay lumingon muna sa akin at nagpa salamat bago tuluyang isarado ang pinto.
Tulala na naman akong iniwan sa bar counter, naka awang pa ang aking mga labi. Itinaas ko ang aking mga kilay at umiling. Agad akong pumasok sa aking kwarto upang maghalf-bath. Pagkatapos ko maglinis ng katawan, ay nagbibihis ako ng bestida ng pambahay.
Di ko alam kung mukhang pam-bahay ba o pan-lakad? Para sa akin kasi walang pam-bahay o pan-lakad basta presentable at maayos na isuot. Lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso ako sa kusina. Magluluto ako ng dinner namin ng crush kong si Carl.
Naghahanap ako ng pwede kong lutuin sa ref. Iyong simple lang na iluluto dahil light dinner lang ako kapag gabi. Pero nakita ko ang karne ng manok kaya mag adobo ako para maging pininyahang manok, saka ginisang talbos ng kamote. Nagsimula na akong magluto dahil ready to cook lahat.
Naghiwa ako ng sibuyas, kaso pagkatapos kong naghiwa ay lumuluha ako kaya pinunasan ko ang mata ko sa pamamagitan ng likod ng palad ko. Kasabay nito ay ang pag-agos ng sipon ko. Nagmamadali kong inabot ang table napkin saka ko ipinunas sa ilong ko. Sumisinghot pa ako, matagal na akong nagluluto pero kada pagbukas at paghihiwa ng sibuyas ay lumuluha pa rin ako.
Suminga ako ng malakas para minsan ang paglabas ng sipon ko gamit ang tissue paper.
"What's wrong?" Tanong ng taong nasa likod ko. Halos mapatalon ako sa pagkarinig ko ng boses niya.
"Nothing," sagot ko.
Dahil nakatalikod ako sa kanya di ko siya nakikita. Alam ko na nakikita niya ang ginagawa ko. Lumapit sa tabi ko at kinuha sa mga kamay ko ang kutsilyo, siya ang nagtuloy ng hinihiwa kong sibuyas. Mabilis niya itong natapos na hindi man lang naluha gaya ko.
Walang imikan habang hinahanda ko ang ibang kasangkapan ng lutuin ko.
"Ako na dito. Tatawagan na lang kita kapag natapos na akong mag luto."
Kailangan kong sabihin iyon dahil naiilang ako na kasama siya.Sumunod siya dahil tumalikod na siya at naglakad palabas ng kusina.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makalabas siya. Dahil kapag matagal siya dito sa kusina, pakiramdam ko di ko matatapos ang pagluluto ko dahil sa kaba. Sana'y ako na may lalaki akong kasama dahil nagpupunta ang best friend ko na si Johnson Rey o JR sa pent house ni Lolo kung saan ako tumira noong nag-aaral pa ako ng kolehiyo. Gustung-gusto ito ni JR ang adobong pininyahang -manok na halos duon na tumira.
Nasarapan ako sa niluto ko kaya nakangiti pa akong nakatingala habang tinitikman, pati ang talbos ng kamote luto na. Naghain ako sa lamesa at saka ko binuksan ang TV dito sa kusina. Dahil may bodyguard ako at stay-in pa may kasama akong kakain. Naglakad ako papuntang sala at narinig ko na nakabukas din pala ang TV sa duon.
Tatawagin ko na si Carl ng makita kong nakahiga ito sa may couch. Nakasuot ng short na ang kulay ay khaki at yellow v-neck shirt. Yakap ang throw pillow na nakapikit. Naramdaman yata ang presensya ko kaya biglang pagmulat ng mata.
Diretso ang tingin sa mukha ko pero dahil sa paanan niya ako nakatayo, ngunit mabilis din itong pagbawi ng tingin.
"Kain na tayo," sabi ko.
Nauna na akong naglakad pabalik ng kusina. Naupo na ako at nagsimulang mag-sandok para sa aking plato. Sumunod naman pala siya, agad itong naupo sa tapat kong upuan.
Hinintay ko muna siya na matapos sa kanyang pag- sandok ng kanin at ulam.
"Mag pray muna tayo," sabi ko.
Nagsimula na akong manalangin habang nakapikit. Pagkatapos naming manalangin ay nagsimula na kaming kumain. Hindi ako tumitingin sa mukha ng kaharap ko. Tanging ingay ng TV, tunog ng plato, kutsara at tinidor kasama na ang paglunok namin ang naririnig.
"Pwede ba akong magtanong kuya?" Pagba basag ko ng katahimikan.
"Drop that kuya, just call me by my name!" madiin niyang turan sa akin.
"Ahm, do you have a wife or fiancee?" Tanong ko na nakayuko.
"Nope," sagot niya agad sa akin.
"Really?"
Kasabay ng pag-angat ko ng mukha at tumingin ako sa kanya.
Seryoso ito na nag subo ng kanin. Ibig sabihin totoo nga, nagsasabi siya ng katotohanan. Lihim akong napangiti at kasabay ng pagkagat ko ng pang-ibabang labi ko. Umaasa ako na siya naman ang mag tatanong sa akin pero walang tanong na lumabas sa bibig niya. Marahil nabasa na niya ang back- ground ko dahil nakasulat iyon sa proposal job ni Daddy.
Makaraan ng ilang minuto ay tumayo na siya, pagkatapos niyang kumain.
"Ako na ang maghugas mamaya," sabi nito.
Hindi na hinintay ang pagsagot ko dahil lumabas na sa kusina. Naiwan akong kumakain pa lang.
Pagkatapos ko kumain ay nagtimpla ako ng gatas ko. Inayos ko ang mga plato at iniligay sa lababo, duon ko napansin na naubos pala ang ulam.
"Wow, nagustuhan niya ang ulam?"
Malamang naubos eh, sagot ko mismo sa sarili kong tanong.
Nakatuon lang ang attention ko sa TV dito sa may kusina dahil gusto ko ang palabas sa may Disney Channel . Nakatayo ako sa tabi ng upuan dahil pinapahinga ko muna ang kinain ko. Habang nasa mesa ang isang basong gatas. Nagulat na lang ako ng kumalantong ang mga gamit sa lababo.
Naghuhugas na pala si Carl. Di ko man lang namalayan na pumasok dito sa kusina.
"Thank you for the amazing dinner," sabi sa akin.
Kinilig ang bagang ko kasama ang atay, puso at balunbalunan sa loob ko.
'Welcome," malandi kong sagot kay Carl.
Pero bumalik ang mata ko sa TV dahil love story ang pinapanood ko. Kinikilig kasi ako sa mga lovers na bida eh. Nang di ako makatiis na nakatayo, naupo ako sabay ko ininom ang baso ng gatas ko.
Ipinatong ko pa ang dalawa kong paa sa kalapit na upuan ng saktong dumaan sa harap ko si Carl
"Halla, may kasama pala ako tapos kung makataas ako ng paa parang walang tao."
"Whatever!"
Nasabi ko na lang ng malakas, iyan ang madalas kong expression. Ngunit namumula ang pisngi ko dahil nahihiya ako.
Tumawag si Daddy thru the phone sa kusina. Inangat ko ito, kinamusta kami ni Daddy at nakisingit naman si Mommy. Pagkatapos ng aming pag-uusap ay nag bilin si Daddy na ipasa ko raw kay Carl. Nagsalita naman agad ito sa sala dahil connected lahat ng telepono sa bawat sulok ng unit.
Ibinaba ko ang linya sa kusina para di ko pakinggan ang pag-uusapan nila , some private matters. Matagal silang nag-usap na dalawa. Nadaanan ko pa sa sala si Carl na kausap pa rin niya sa phone si Daddy ko. Tahimik akong nakalampas patungo sa aking kwarto.
Nasa isipan ko ang kanyang itsura kanina. Bakit ba ang gwapo ng lalaking iyon, may poise pa? Bigla kong naalala na naiwan ko pala ang cellphone ko sa bar counter. Kinakapa ko pa sa bulsa ko na nag babaka-sakali na nandito pero wala naman bulsa ang bestida ko.
Nagmamadali akong lumabas sa kwarto upang kunin ang cellphone ko sa bar counter. Di pa man ako nakarating ay natanaw ko ang malapad na likod ng lalaking kanina pa ginugulo ang utak ko, si Carl. Nakaupo sa armchair na may iniinom na alak sa bar counter pa mismo. Huminto ako sa paglalakad, iniisip ko kung tutuloy ako o hindi.
Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa broad shoulder ng nasa harap ko. Bigla na lang niya itinaas ang cellphone ko ng hindi lumilingon. Lumapit ako upang abutin ang nasa ere kong cellphone. Nang maabot ko na ito, ibinaba na ni Carl ang kanyang nakataas na kamay.
"You want to drink?" offer nito sa akin.
"For now, I don't want to drink," sagot ko.
"Busog ako baka lumabas lahat kapag malasing ako," dagdag ko.
"Then next time na lang," siya ulit ang nagsalita sa malamig na boses.
"I am leaving," paalam ko.
Naglakad na ako pabalik sa kwarto na parang gusto ko takbuhin para mawala agad sa presensya niya. Nagawa ko naman tumakbo na parang ginulat lang ng aso. Nakaka tense naman siya, feel ko parang teen ager na kapag makita ang crush ay nagtatago. Pagkasarado ko ng pintuan, ibinagsak ko ang katawan ko sa kama.
Sumigaw ako dahil sa hindi maintindihan na pakiramdam. I am twenty-three and I admit ngayon lang ako makaranas ng kilig moments. Nagpagulong-gulong ako sa kama na parang bata. Nang mahimasmasan ako, nag-ayos ng higa para makatulog na.
Ngunit hanggang ngayon dilat pa rin ang aking mga mata. Di ako makatulog marahil namamahay ako, first time ko ba naman kasi matulog dito sa condo unit ko at ibang tao pa ang kasama ko. Hinanap ng aking mga mata ang orasan dito sa kwarto. Pasado alas-nuwebe pa lang ng gabi.
Binuksan ko ang TV sa kwarto ko para manood muna bilang pampaantok. Nakaupo ako sa may kama ko at nakaharap sa laptop. O di ba nanunuod na nga naglalaptop pa. Gustuhin ko man tumawag sa mga ka-trabaho ko na mga kaibigan ko, di ko magawa dahil sa oras na ito marahil nasa labas sila o nag-aasikaso sa kanyang asawa at anak.
Inabot ako ng isang oras sa panonood ng TV. Dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw bumaba ako ng kama para lumabas ng kwarto. Nakasindi pa ang ilaw, pero wala na si Clark sa may bar counter. Naririnig ko na naka-on pa rin ang TV sa sala.
Napako ang tingin ko sa may couch kung saan ko madalas makita si Carl pero wala naman siya duon. Inisip ko na baka nasa kwarto na niya dahil nakasarado naman ng madaanan ko bago sa counter. Inuna ko muna ang pagpunta ng kusina para uminom na ng tubig. Pagkatapos ko uminom, lumabas na ako ng kusina.
Nagulat ako ng makita ko si Carl na nakaupo na sa couch na nanonood ng TV. Baka galing lang ng guest toilet na katabi lang ng counter. Tahimik siya na nakatingin sa TV na nakasandal ang likod. Nagtaka ako dahil hindi siya lumingon sa akin.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, nakatalikod siya sa akin kaya di ko makita ang mukha. Pagka- lapit ko sa kanya agad ko tiningnan ang mukha dahil may hinala ako na naka tulog ito. Tama nga ako nakapikit siya, pakiramdaman ko muna kung gagalaw. Nakaabot na ako ng trenta minutos kakahintay ngunit tuluyan na siyang nakatulog.
Gagalaw na sana ako para ayusin siya sa couch na kahit duon na siya matutulog, ngunit umungol siya. Kusa na niyang inihiga ang kanyang katawan. Nakatayo ako sa gilid kaya malaya kong siyang namamasdan. Hinanap ng kanyang kamay ang throw pillow saka inilagay sa may bandang puson.
Napangisi ako ng maisip kung ano ang tinakpan niya. Nag baling-baling ang ulo at umungol ulit. Inisip ko na nanaginip siya. Medyo nagulat pa ako ng marinig ko na nagsasalita.
Hindi ko masyado maintindihan ang sinasabi niya. Pero nakikinig pa rin ako, baka magsalita pa at may maintindihan ako. Dahil sa kanya hindi ko magawang bumalik sa kwarto ko. Hinihintay ko na makatulog ng husto saka ko patayin ang TV.
Kaso kung dito siya matutulog sa sala dapat may kumot siya. Nagtungo ako sa kwarto niya para kunin ang kumot. Dumiretso ako sa loob, nakita ko nasa kama ang cellphone niya. Ang mga gamit niya sa trolley bag ay hindi pa nakalagay sa closet.
Minadali ko kinuha ang kumot pinatay ko ang ilaw saka tuluyan akong lumabas. Kinumutan ko ito ng hanggang dibdib. Hindi ko inalis ang throw pillow na nilagay niya kanina sa kanyang puson nasa ilalim din ng kumot. In-adjust ko ang temperature ng aircon para di siya ginawin mamaya.
"Elissa," ang narinig kong pangalan.
Papatayin ko na sana ang TV ng marinig kong nagsalita. Kunot ang noo ko dahil sinabi lang kanina na walang asawa at fiance' ngayon may binibigkas na pangalan. "Sino kaya naman iyon?"
Tuluyan ko ng pinatay ang TV pati ilaw pinatay ko na rin. Sinindi ko ang ilaw sa may gilid ng counter na kahit paano ma'y ilaw pa rin siya kapag magising.
Nakasimangot akong nagtungo sa kwarto ko. Bakit ako naiinis sa narinig kong pangalan mula sa kanya?
Curious ako sa pangalan na iyon, hanggang ngayon na nasa kwarto na ako iniisip ko pa rin. Baka ex niya? Sabad naman ng malikot kong utak. Baka nga, ang swerte naman niya, iniisip ko pa lang nasasaktan na ako.
Niligpit ko na ang aking laptop, inayos muli ang magulo kong bedsheet dahil sa ginawa ko kanina. Ini- switch off ko ang TV dito sa kwarto ko. Nagsusuklay muna ako ng buhok na lagi ko ng ginagawa bago ako mahiga. Ang sarap maglapat ng likod sa malambot na higaan, nakaayos na ako ng pagkakahiga ngunit naalala ko pa kanina.
Nag talukbong ako para at least mawala ang inis ko. Di pwede ito na maramdaman ko sa taong may iba na, di nga? Di ko pa alam ang totoo nagseselos na? Magkakasunod na hikab ang ginawa ko kaya naramdaman ko na rin sa wakas ang antok ko.