Carl's POV
Limang taon kaming magkarelasyon ni Elissa, kulang na lang ang kasal sa aming dalawa. Pabalik-balik sa California dahil may negosyo siya duon na inaasikaso. Sa isang taon, ay may isang buwan ko siyang sinasamahan sa California upang magbakasyon at para makasama siya. Halos lahat na ng bansa ay na pasyalan natin dahil pareho kaming mahilig sa adventure.
Ang dami niyang pangarap sa buhay na kanyang sinabi at halos lahat ay natupad na. Sinusuportahan ko siya sa lahat ng kanyang gusto basta kaya ko. Ang sarap ng aming pagmamahalan at pakiramdam ko ay walang katapusan. Ngunit, lahat pala ay may katapusan.
Isang taon na hindi ako makapag- bakasyon dahil nagkaroon kami ng isang mahalagang misyon at hindi lang basta-basta iyon. Bago pa dumating ang araw ng pagsisimula ng aming misyon, ay nagpaalam ako para gamitin muna ang isang buwan ng sick leave ko. Alam ko na kapag nasa misyon na ako ay matagal na hindi ko makasama ang girlfriend ko. Malaking pasasalamat ko dahil pinayagan naman ako.
Ipinasyal ko si Elissa sa pinakapaborito niyang beautiful spot sa Los Angeles. Masayang- masaya kami, walang-katumbas ang kanyang pagngiti at pagtawa. Sa kanya umiikot ang mundo ko kapag wala ako sa trabaho. Isa, ako sa naniniwala sa kasabihang, "Kapag mahal mo ang isang tao, pagbigyan mo."
Dahil mahal ko siya ay ginagawa ko ang nararapat. Kumpiyansa ako sa aking sarili dahil siya na ang pinangarap kong babae at mahal na mahal ko ng buong buhay ko. At alam ko na ganun din siya sa akin. Pinaramdam naman niya na ako ay kanyang minahal.
Hanggang dumating na ang araw na gawin ko ang misyon ko. Hindi alam ni Elissa na bago ako sumabak sa misyon ay nakausap ko ang aking private detective na alamin lahat ng gagawin niya: lugar na pupuntahan, maging ang mga tao na kakausapin at ang mga kasosyo niya sa negosyo.
May komunikasyon kami at iyon ang pag text, pagtawag, pag chat at video call. Hindi naman lagi, basta meron kaming schedule sa pag-uusap. Nagkakaintindihan kami sa aming sitwasyon dahil sa uri ng aking trabaho.
Sa unang pag mamanman ay naging maayos pa naman ito. Wala akong nakitang pagbabago sa kanya kapag nag-uusap, gamit ang aming social media accounts. Ngunit may pagkakataon na nakatanggap ako ng isang litrato na may kasama siya sa mga pasyalan na pinupuntahan niya. Binibisita pa siya ng isang lalaking kasosyo niya sa negosyo.
Hindi pamilyar sa akin ang mukha ng lalaking ito, dahil nakilala ko na ang mga kasosyo niya sa mga negosyo. Maingat kong pinagbilinan ang aking private detective hinggil dito.
Hindi ko iyon sinasabi sa kanya kapag nag-uusap kami sa video call, dahil balewala pa lang iyon sa akin. Hindi ako madaling magselos hanggat wala akong nakuha ng ebidensya. Umabot pa ito ng dalawang buwan at ganun pa rin ang set- up nila.
Sa pangatlong buwan, isang litrato ang dumating bilang mensahe sa aking cellphone. Larawan nila sa isang hotel kung saan sila nag check-in. Nakasaad pa ang oras at araw kung kailan nangyari, pati kopya ng cctv ay kasama at kumpirmado ito.
Nanlumo ako ng makita ko ito lahat. Dahil kasalukuyan pa akong nasa misyon, kailangan kong timbangin ang aking emosyon. Simula nuon bihira na siyang makipag-usap sa akin sa mga texts, chats at maging sa video call. Laging sinasabi na pagod kapag kinakausap ko sa pamamagitan ng pag-text.
Iniintindi ko siya dahil ayoko muna komprontahin, mas gusto kong makausap ng personal para makita ko ang tunay na kanyang naging reaksyon.
Ng minsan kausap ko siya sa video call, may biglang pumasok sa kwarto kung saan siya nakaupo. Iyon ang lalaking nasa larawan na pinadala sa akin ng private investigator ko. Pinaimbestiga ko nang hindi niya nalalaman. Nagulat ako sa sumunod na nangyari, nang nakapasok na ang lalaki ay hinalikan niya si Elissa sa may labi.
Kitang-kita ng dalawang mata ko, at tinawag pa nitong "Babe," kasabay ng pag-abot ng kumpol na bulaklak. Alam ni Elissa na nakita ko lahat, inabot nito ang laptop at tiniklop dahilan upang mamatay ito.
Para akong binuhusan ng isang drum na malamig na tubig. Nasuntok ko ang mesa na halos mawarak. Napakasakit ang naramdaman ko, nagwala ako sa kinauupuan ko. Wala akong pakialam kung naririnig ako o hindi. Ibinuhos ko ang lahat ng galit ko, sumalampak ako sa sahig dahil para akong sinaksak ng libo-libong kutsilyo.
Sinabunutan ko ang aking sariling ulo. Ano ang pagkukulang ko sa kanya? Akala ko nagkakaintindihan kami
pero ako lang pala ang umintindi sa kanya.
Manloloko siya!
Hinayaan ko ang sarili ko na damhin ang sakit. Pinabayaan lang ako ng aking mga tauhan sa nakikita nila sa akin. Ang pagiging opisyal ko sa trabaho lalo na ang pakikipaglaban na napakahirap ay nakayanan at nalampasan ko pero ang masaktan ng ganito sa pag-ibig ay para akong mamatay.
Magpakalasing ako para mabawasan ang sakit na dulot nito sa puso ko pero bigo ako, kailangan ko maramdaman muna ito bago maglaho. Sa paggawa ng misyon ko sumasagi ito sa isip ko. Matinding pagpigil sa emosyon ang ginagawa ko para hindi maapektuhan ang trabaho ko. Sinisikap ko na tapusin ang misyon ko na hindi ako nagpatalo.
Pero sa bawat araw, imbes na maibsan ang sakit parang mas lalo pa itong naging komplikado dahil naging mainitin ang ulo ko. Natatalo ako ng emotional devastation. Nasa kalagitnaan na ako ng misyon ko pero ramdam ko di ko kayang tapusin.
Nasa office ako para mag report dahil marami kaming inaasikaso pero ni isa walang pumapasok sa utak ko. Di ako makagalaw at di makapag desisyon ng maayos. I'm so exhausted and in pain. Gustung-gusto ko pumatay ng tao dahil sa sakit na nararamdaman ko hanggang sa di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Tama, lalaki ako pero umiiyak ako dahil hindi lang naman babae ang umiiyak. Papatunayan ko na ngayon sa aking sarili.
Hinayaan ko na pumatak ang luha ko habang nakaupo ako sa aking mesa.
Nagawa ko ang trabaho ko ng maayos ng pitong taon bilang Law Enforcement. Bigla kong naisip na magresign, sa lahat ng pasakit na pinagdaanan ko ito na talaga ang naisip ko.
Gumawa ako resignation letter at ipinasa sa pinakamataas na opisyal. Alam ko na hindi ako basta-basta maka-resign pero subukan ko. Nasa harap ako mismo ng taong pinagpasaan ko ng resignation letter. Nakatingin siya sa akin at umiiling, pinapahiwatig na hindi pirmahan at aprobahan.
"Kung hindi ninyo pipirmahan ang resignation letter ko, fine mag-awol ako!?" Galit kong sinabi sa harapan ng opisyal ko.
Nagpupuyos at nanlilisik ang mga mata ko na nakatingin sa kanya, kulang na makakain na ako ng tao. Dahil sa hitsura ko na nakikita niya ay agad itong pumirma. Akala ko patagalin pa niya kundi magwala ako sa kanyang harapan. Wala akong kinatatakutan, p*****n kung p*****n.
Tumayo ako at lumabas agad sa opisina na iyon ang pinirmahan ang aking resignation letter.
Nang makapasok ako sa aking quarter ay kinausap ako ng isang opisyal. Sinusubukan akong kumbinsihin na iwidraw ang aking resignation letter.
Wala na silang magagawa dahil sa desisyon ko. Kahit ano pang sabihin nila para paliwanagan ako uuwi pa rin ako at walang hahadlang sa akin dahil alam nila kung paano ako magalit.
Dumiretso ako agad sa aking condo unit dito sa Makati. Tumawag ako sa magulang ko at pinaalam ko na nakauwi ako para maupdate sila sa mga nangyayari sa akin.
Pagkatapos ko silang makausap ay lumapit ako sa may bar counter para maglasing. Tinungga ko ang alak na pinakamalakas ang tama kapag nainom ito. Pakiramdam ko hindi ako tatablan ng pagkalasing kaya uminom ako ng uminom. Di bale nasa loob naman ako ng sarili kong condo unit, pwede ako matulog kahit saan.
Pagkagising ko ay nakita ko ang aking sarili sa malamig na sahig. Masakit ang aking ulo dahil sa hangover. Agad ako naligo at nagbihis para lumabas. Nag taksi ako para di na ako magdala ng sasakyan para kapag malasing ako wala akong problemahin na sasakyan.
Nagpunta ako sa pinakasikat na night club. Nag-order ako ng maraming alak at mag-isa kong tinungga. Magpakalasing at nakikipag harutan sa mga malanding mga babae. Dahil may VIP room ay duon ko nilabas ang init ng aking katawan, gamit ang iba't-ibang babae sa isang gabi.
Ginawa ko ito ng diretso sa isang linggo, walang kain at walang maayos na tulog hanggang sa naramdaman ko ang panghihina ng aking katawan. Di ako makabangon, masakit ang buo kong katawan kasama na ang aking ulo na para bang mabibiyak. Dahil hindi biro ang sakit na nararamdaman ko ay tumawag ako ng ambulansya para kunin ako.Nag pa-confine ako sa Makati Medical City.
Tinawagan ko ang aking magulang kaya duon na sila dumiretso ng bumiyahe sila papuntang Manila. Wala akong naririnig na sermon, inasikaso ako ng buong pagmamahal marahil ay nakiki simpatya sila sa akin. Pagkaraan ng tatlong araw ay lumabas ako ng hospital. Mabilis ako nakarecover dahil sa tulong nila kaso lugmok pa rin ako ng kalungkutan.
Isang linggo sila namalagi rito at sinamahan talaga ako. Iyon din ang bilang ng araw na hindi ako lumabas sa aking kwarto. Hinahatiran ako ng aking Mommy ng pagkain. Siya mismo ang naglilinis ng aking kalat sa loob ng aking kwarto.
Nagsabi si Daddy na mag-usap kami ng masinsinan. Ipinagbilin kay Mommy na lumabas ako ng kwarto ngunit hindi ko ginawa. Hindi pa ako handa na makausap si Daddy dahil alam ko na sermon lang ang abutin ko. Ano pa nga ba?
Habang nakaupo ako at tulala ay biglang pumasok si Daddy sa aking kwarto. Walang pasabi na sinuntok ako. Nagulat ako at namilipit dahil sa sakit. Habol ko ang aking hininga dahil parang huminto ito ng tumama sa tiyan ko ang suntok ni Daddy.
"Iyan ang dapat para sa iyo!" Nagngangalit ang bagang ni Daddy habang nagsasalita.
"Umayos ka, hindi dahil sa babaeng iyon maging ganyan ka na! Alam mo na ang dapat mong gawin para sa sarili mo!"
Pagkatapos magsalita ay tumalikod na at tuluyan ng lumabas ng aking kwarto. Naiwan akong tulala na naiwan sa loob habang hinahaplos ang parte ng katawan kong nasuntok. Nagbuga ako ng hangin sa kawalan. Dahan- dahan akong napapikit ng ang aking mga mata at tuluyang nakatulog .
Nagulat ako ng biglang may gumalaw sa kurtina ng aking kwarto. Nakapasok pala ang Mommy ko ng hindi ko namalayan. Pagkahawi nito ng kurtina ay biglang pumasok ang malamig na ihip ng hangin dahilan para mahimasmasan ako. Napabalikwas ako ng bangon at naupo sa kama.
Di pa rin ako nagsalita, hinayaan ko lang si Mommy sa ginagawa niya. Naupo ito sa may gilid ng aking kama at pinagmasdan ako. Nailang naman ako sa kanyang pagtitig parang nakakita ng ermitanyo. Tumayo siya at lumapit sa akin at niyakap ako.
"Mahal ka namin, hijo, please love yourself!"
Parang may lumambot na parte sa aking dibdib ng marinig ko ang sinabi ni Mommy. Ngunit walang lumabas na salita sa aking bibig. Hinayaan ko lang siya na nakayakap sa akin. Ultimo gumalaw ng aking katawan ay hindi ko nagawa.
"Tonight, we're going back home sa Tagaytay kasama ka. Prepare yourself, we leave at seven pm."
Tumango ako bilang pagsang-ayon kay Mommy. Kumalas sa akin saka umatras. Tiningnan niya muna ako bago tumalikod at lisanin ang aking kwarto. Naiwan akong mag-isa at nagmumuni-muni.
Pagdating sa aking mga magulang ay tiklop ako, kaya tumayo ako para pumunta ng banyo para maasikaso ang aking katawan. Nagulat ako sa nakita ko sa salamin, humaba na ang buhok ko at lumabas na rin ang mga balbas ko. Nangayayat ang hitsura ko,kaya pala ganuon ang tingin ni Mommy kanina.
Pinagmasdan ko ang aking sarili. Umiling-iling pa ako dahil di ko gusto ang aking nakikita sa harap ng salamin. Nauna muna ako nag-ahit ng aking balbas bago ako naligo upang linisin ang aking katawan . Pag ahon sa tubig at nakaramdam ako ng ginhawa.
Nagbibihis ako para magpagupit muna sa labas. Naabutan ko ang magulang ko sa sala na nanonood ng TV.
Tumingin ako kay Daddy na tahimik lang sa panunuod. Umupo ako sa kanyang tabi, tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Salamat sa inyo Daddy at Mommy sa pag-aalaga sa akin. Sasabay ako mamaya sa pag-uwi ng Tagaytay."
Tahimik lang si Daddy kaya hindi ko na hinintay ang kanyang sagot. Bagkos ay tumayo na ako at lumabas ng condo unit. Pagkatapos akong magupitan ay nakaramdam pa ako ng pagka ginhawa sa aking ulo. Nagpasya akong bumalik sa condo, dumaan muna ako ng bakeshop para bumili ng pasalubong.
Nasa lansangan na kami pauwi, nauna ang sasakyan ng aking magulang. Nakasunod ako lulan ang sarili kong sasakyan. Maluwang ang daan kaya madali kami nakarating. Namiss ko ang lugar namin na ito, presko ang hangin at maaliwalas ang kapaligiran.