Chapter 20

1752 Words
Chapter 20 - Stella's POV - Nakanguso ako ngayon at parang gusto ko pa ng isang round pero marami pa kaming gagawin ni Paul. Dahil nandito ako ngayon sa kompanya ni Paul ay napagdesisyonan naming ipalit si Allen sa posisyon ko pansamantala. Medyo marami kasing mga kailangang gawin dito at ganon din sa amin. Hindi na namin iniisip na magkakompitensya ang mga kompanya namin dahil pare-pareho na kaming narito. Sa totoo nga, nagbabalak si Paul at Allen gumawa ng isang project kasama kami. "Gutom na ako. Dinner date?" Nakangiting tanong ni Paul sa akin. Umirap naman ako sa hangin. "Hell, yeah!" Sigaw ko at agad tumayo para magbihis habang si Paul naman ay mahinang natawa sa hindi ko malamang dahilan. Nang matapos akong magbihis ay dumiretso kami sa pinakamalapit na restaurant. "This place is so nice." Sabi nya habang papasok kami. "I know. I've been here since I bring some important clients here to discuss our meetings." Sabi ko at ang mata ko ay naghahanap ng pwesto namin. Nang magbalik ako ng tingin sa kanya ay nakatingin ito sa akin ng napaseryoso. "You bring other men in this place?" Tanong nya at napalunok nalang ako dahil nakakatakot sya. "I- I did it for my job. A-And it's just a meeting. D- Don't scare me." Sabi ko at nag-iwas ng tingin. "Whatever. Let's just grab something and let's eat it later." Sabi nya at iniwan akong nakatayo doon at kumuha ng pagkain. Maya-maya pa ay bumalik sya na may pagkain na at dinala ako sa kotse. Pagdating namin doon ay nagmaneho sya papunta sa kung saan kaya hindi pa muna ako nakakain. Nang timigil sya ay nasa isang magandang cinema theater na kami. Yung para bang naroon lang sa parking yung sinehan. Hindi ko kasi alam kung ano yung tawag doon pero nasa ganong lugar kami ngayon. Ihinanda nya na ang pagkain at lumingon sa akin. "Let's eat. Mag-s-start na yung movie." Sabi nya at nginuso ang malaking screen sa harap namin. Dumilim ang paligid at umilaw na ito. Muhkang magsisimula na nga. Kumain kaming dalawa habang nanonood kami ng palabas. Ang palabas naming pinapanood ay tungkol sa isang babae na mahilig magpatikim sa isang lalaki. Maraming nagsasabi sa kanyang ginagamit lang sya nung lalaki pero hindi sya naniniwala sa mga sinasabi ng mga tao. Hanggang isang araw ay aksidenteng hindi sila nakagamit ng proteksyon at nagbunga kaagad ang pangyayaring iyon. Sa una ay natakot ang babae na sabihin doon sa lalaki na nagdadalang tao sya dahil baka iwan sya nito. Pero nagalit naman yung lalaki nang hindi sabihin nung babae sa kanya na nagdadalang tao sya dahil anak daw nya ito. Sa huli, nagtulungan silang makaraos sa buhay at sa huli ay nakaroon pa sila ng tatlong anak at nagpakasal. Habang iniisip ko ang palabas na napanood namin. Hindi ko maiwasang maisip ang batang minsan kong dinala noon. Kung hindi lang iyon nalaglag, siguro ay malapit na iyon mag-aral sa isang taon. May apat na taon na sana kami. "Are you ok?" Tanong bigla ni Paul kaya bigla akong napatigil sa pag-iisip ko. "Huh?" Gulat kong tanong. "I said, are you ok?" Tanong nya ulit sa akin. "Ahh, yeah. Yeah. I'm ok. Haha. I guess." Sabi ko at nag-iwas sa kanya ng tingin. Nagliligpit sya ngayon ng kinainan naming dalawa at aalis na din kami maya-maya. "I don't think you are ok." Sabi nya bigla kaya napalingon nanaman ako sa kanya. "W- Well, I was just think about our baby." Mahin akong sabi. "Gosh, again? Stop thinking about him, his in the good place, I'm sure." Sabi nya at ngumiti para pagaanin ang loob ko. "Yeah, I know that but, I just can't help to think about it." Sabi ko at bumuntong-hininga. Ngumiti ulit sya sa akin at tinignan ako ng mata sa mata. "He's in the good place now. If he found oit that you're sad right now, he's going to be sad." Sabi nya at hinila ako para yakapin. "Wag kang mag-alala. Gagawa nalang ulit tayo. Gusto mo, dalawa agad." Sabi nito at tumawa. Napahampas naman ako sa balikat nya. "Ang halay mo talaga." Natatawang sabi ko. ______________________________ Napakabilis ng mga araw, tapos na ang isang buwa na napag-usapan namin at kailangan ko nang bumalik sa trabaho ko. Si Allen ay muhkang nag-enjoy din sa trabaho nila at parang naging close silang dalawa ni Lexi. Nandito ako ngayon sa office ko at parang nalulungkot ako ngayon na wala dito si Paul. Parang ayoko na ngang umalis doon pero kailangan ko. May mga naririnig na kaming mga balitang hindi maganda sa paligid. Katulad ng trayduran sa pagitan ng mga kompanya namin. Which is not true. Alam naman namin na hindi totoo ang sinasabi nilang tryaduran na nagaganap at nitong mga nakaraang araw nga lang din ay nagsimula na ding magdate ito si Lexi at si Allen. Masyado silang mabilis kumilos at hindi na ako magugulat kung maghihiwalay sila kaagad. Makalipas ang ilang mga araw ay may meeting akong kailangang puntahan. Hindi ko alam kung sino ang ka-meeting ko dahil si Lexi kasi ang dapat na narito ngayon at hindi ako. Kaya hindi daw siya makakapunta ay dahil may date daw sila ni Allen. Wala na akong magawa dahil isa sa amin ang kailangang pumunta at muhkang ako na talaga ang kailangang pumunta dahil may date nga ang isang iyon. Minsan lang naman ito kaya muhka namang kakayanin ko ito. Nandito na ako sa labas ng restaurant at inaantay ko nalang ang client na ka-meeting ko. Maya-maya pa ay dumating na ito at sabay na kaming pumasok ng restaurant. Medyo hindi din ako komportable dahil sa tingin sa akin ng lalaking to. Parang hinuhubaran nya ako sa tingin nya. Nang tignan ko ang suot ko, naka-stilettos at dress na lampas sa tuhod ko. Napairap nalang ako sa hangin dahil kahit ano nga talaga ang isuot ng babae, ang manyak ay mananatiling manyakis. Ngayon nagsisisi na ako kung bakit sa VIP room pa kami. May naghatid sa amin doon at sinasadya ko talagang bagalan ang lakad ko. Nagdadasal din ako na sana may dumating na tulong galing sa langit para makaalis na ako sa lalaking parang may masamang balak sa akin kapag kami nalang. Mabagal lang ang paglalakad ko. Nakikiramdam lang ako sa paligid. Kapag walang tulong na dumating, ako na ang gagawa ng paraan mag-isa. Maya-maya pa ay malapit na kami at nilingon ako ng lalaking iyon at ngumisi pa. Hanggang sa may biglang humila sa akin. ______________________________ - Paul's POV - Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko. Si Allen nandito din pero kasama nya ang girlfriend nya, si Lexi. Sana nga, sinama ko nalang din si Stella dito. Medyo nakakailang dahil karamihan sa kanila ay may dalang girlfriend. "So, Lexi. Ilang buwan na kayo ni Allen?" Tanong ni Alex, kapatid ni Allen. "Wag mo nga akong ma-Allen Allen dyan." Inis na sabi ni Allen at binato pa ang kapatid nya. "Actually, mag-iisang linggo palang kami." Nakangiting sagot ni Lexi. "Ehh, si Paul? Kelan ka ba magkakagirlfriend? Baka tumandang tuyot ka na, ha." Biro ni Zack na akala mo nakakatawa. "Hindi ako tuyot. Manahimik ka." Sabi ko at lumingon sa gilid ko. Paglingon ko doon ay may nakita akong bulto na parang pamilyar sa amin. Parang bulto ng nobya ko, si Stella. Tatayo na sana ako para pumunta doon ng may biglang lalaking lumapit sa kanya. Hindi ko alam pero biglang nag-init ang ulo ko. Parang biglang gusto kong manapak ng tao ngayon. Nang pumasok sila ay nakumpirma ko na nga na ang babaeng iyon ay ang nobya ko. Nakatingin lang ako sa kanila hanggang sa lumagpas sila dito sa table namin. Agad akong tumayo at hinila sya. Nang tignan ako nito ay hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang itsura nya. Parang may tumupad ng dasal nya, hindi ko maiipaliwanag. Napakunot ang noo ko at hinila sya papalapit sa akin. "Who are you?" Tanong ko sa lalaking kasama nya. "Excuse, Mr. Tan, pero ka-date ko ang babaeng yan." Sabi nitong lalaki. Nilingon ko si Stella at agad naman syang umiling. "Is that true?" Tanong ko kay Stella. Umiling naman ito ng umiling. "Let's go." Sabi ko at akmang hihilahin na sya paalis doon ng bigla nya akong pigilan. - Third Person's POV - Lumapit ng kaunti si Stella sa kleyente nila at nagsabi. "I'm sorry. I have an important matter right now. Let's re-arrange the meeting." Sabi ni Stella at umalis na kasama si Paul. Ang lalaki namang kasama nila nainis dahil hindi nya nagawa ang masamang balak nya. Akala nya kasi makaka-score na sya. "Ahm..." Mahinang sabi ni Alex. "What the f*ck did just happened?" Naguguluhan nyang tanong habang si Lexi at Allen naman ay nagkibit-balikat lang. "You'll didn't gonna believe how many times I caught them doing the thing." Sabi ni Lexi na ikinatingin sa kanya ng mga naroon. "They're wild." Komento ni Allen at napapailing pa. ______________________________ - Paul's POV - Nandito na kaming dalawa sa kotse at nagmamaneho ako ngayon papunta sa kung saan. Tahimik lang kami at tila wala kaming patutunguhan. "Where are we going?" Tanong ko. "Hotel." Mabilis nyang sagot. "Buntisin mo na ako ulit." Sabi nya pa. Napalunok ako at binilisan ang pagmamaneho ko. Parang hindi na ako makapaghintay. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa isang hotel. Agad kaming lumabas at nag-check-in sa loob ng hotel. Napakabilis ng pangyayari at ngayon ay nandito na ako, nakahiga, habang hinihintay syang matapos maligo sa pagligo nya. Napatingin ako sa condom na ibinigay sa amin kanina pero muhkang hindi din ako pagagamitin non ni Stella. Sya na din kasi ang mismong nagsabi na buntisin ko ulit sya. Marami na ding besea may nangyari sa amin at wala din akong gamit na proteksyon noon. Baka nakabuo na kami pero hindi pa nagpaparamdam sa ngayon. Naputol ako sa iniisip ko ng biglang bumukas ang pinto at lumabas si Stella doon. Napalunok ako dahil wala syang damit na nagtatakim ng mala-krema nyang balat at pinapatuyo nya din ang basa nyang buhok. Tinignan nya ako at agad din nag-iwas bago tumabi sa akin. "You ok?" Tanong sa akin ni Stella. Ngumiti at tumango naman ako sa kanya. "I was just thinking if you're already pregnant." Sabi ko at lumapit sa kanya para yumakap. "I didn't get my period yet." Sabi nya. "Really?" Tanong ko. "Yeah..." Mahina nyang sabi. "Do you want to go out of here and go see a doctor?" Tanong ko sa kanya. Sandali itong nag-isip at tumango. - To Be Continued - (Wed, March 2, 2022)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD