Chapter 13 - Paul's POV - Nandito na ako ngayon sa harap ng altar at kinakabahan ako. Nararamdaman ko ang panginginig ng katawan ko at pinipilit kong magpakatatag. Panay ang pagtulo ng mga pawis ko at basang-basa na ang panyong kanina ko pa ipinapamunas sa akin. "Are you ok?" Tanong sa akin ni Allen. Nilingon ko sya at nang makita nya ang itsura ko ay pilit itong nagpipigil ng tawa. "Y- You look nervous." Sabi nya at doon na tuluyang natawa. Ako naman ay hindi nalang sya pinansin kahit na ang lakas ng tawa nito. "Hey." Biglang lumapit sa akin sila Mommy. "Calm down. Your really shaking." Sabi ni Mommy. "Relate." Sabi ni Dad na ikinatingin sa kanya ni Mommy. Mahinang natawa si Mommy bago muli akong hinarap. "Calm down, ok? Baka hindi isugod ka na snyan sa ospital." Sabi ni Mommy a

