Chapter 13

1526 Words
Chapter 13 - Third Person's POV - Lumipas pa ang ilang mga buwan ay naging maayos naman ang pagbubuntis ni Stella. Tinutulungan sya ni Paul sa mga bagay na hindi nya kayang gawin. Masyado na ding malikot ang bata sa sinapupunan nya. Malapit na ang next sem nila Paul. Si Stella naman ay tuluyan nang tumigil sa pag-aaral nya dahil baka makaapekto lang ito ng masama sa anak nila. Maayos din naman ang relasyon nila ni Paul at muhkang nagiging mas maayos pa. Sa kabilang banda, may date ngayon si Rylee at hinahanap nya ang damit na ibinigay sa kanya ng Daddy nya. Sobrang naiinis na sya dahil kanina nya pa ito hinahanap pero hindi nya parin nakikita. Lumabas sya ng kwarto nya para hanapin ito. Pumunta sya sa storage room kung saan nilalagay nila ang mga gamit nilang hindi na ginagamit pero wala parin syang nakitang damit doon. Lumabas sya ulit at titignan ito sa baba dahil baka nasa labahan lang ito. Bigla namang nahagip ng mata nya ang damit na suot ni Stella. Paakyat ito ngayon at papunta sa kwarto nila ng Kuya nya. Agad nag-init ang ulo nya at agad pinuntahan si Stella. Tuloy, napahinto si Stella sa pag-akyat. "Bakit suot mo ang damit ko?" Inis na sabi ni Rylee. Si Stella naman ay napatingin sya at nagsalita. "Binigay sa akin to ni Paul. Matagal na to." Sabi ni Stella. "Hindi. Ginagamit ko pa yan, ehh. Sinungaling ka! Ninakaw mo yan sa kwarto ko!" Pamimi tang at pasigaw na sabi ni Rylee. Akmang sasampalin nya si Stella pero agad itong nakaiwas. Hindi naman napansin ni Stella na nasa dulo na sya ng hagdan kaya pag-iwas nya, natalisod sya. Sobrang bilis ng pangyayari, parang bumagal ang mundo ni Rylee at ni Stella. Sa gulat nila ay parehong nanlaki ang mga mata nila. Pilit pang inabot ni Rylee ang kamay nya kay Stella pero hindi kaagad iyon naabot ni Stella kaya tuluyan na syang nahulog sa hagdanan papunta sa ibaba. "Ate!!!" Sigaw ni Rylee at mabilis na binaba si Stella at halos na dulas-dulas pa sya. "A-Ate! Wake-up!" Natataranta nyang sabi. Nawalan na nang malay si Stella at maya-maya pa ay nagsisimula nang dumugo ang ulo nya. "Ate!!" Kinakabahan na nyang sabi. "Oh, my god! Rylee, what happened?!" Biglang sulpot ng mommy nya at agad itong lumapit sa kanila. Pinilit ni Rylee magpaliwag pero walang maintindihan ang Mommy nya. "Paul! Alberto!" Sigaw ng Mommy nila. Agad namang dumating si Alberto at pinigilan si Rylee sa pag-alog kay Stella. - Paul's POV - "Paul! Alberto!" Sigaw ni Mommy. Hindi ko alam pero parang bigla akong kinabahan sa pagtawag nya. Agad akong lumabas ng kwarto ko at pagtingin ko palang sa hagdan, nakita ko doon si Mommy, Daddy, Rylee, at ang nobya kong nakahiga, walang malay, at duguan. "What happened?!" Tanong ko at doon ko nakitang umiyak si Rylee. "Anong nagyari sa kanya?!" Tanong ko pa. "Wag nyo muna syang galawin kukunin ko lang yung kotse." Sabi ni Daddy at iniwan na kami. "Mom, what happened?" Tanong ko kay Mommy. "I don't know. Basta pagdating ko dito, nandito na si Stella sa sahig." Sabi ni Mommy at nakahawak sa may pulsuhan ni Stella. "Nasaan na ba ang Daddy nyo, mauubusan na nang dugo si Stella." Sabi ni Mommy. "Ok na. Buhatin mo na si Stella." Sabi ni Daddy at agad ko namang sinunod. Mabilis at maingat kong binuhat si Stella papunta sa kotse at agad din naman pinaandar ni Dad ang kotse. Sila Mommy naman ay hindi na namin pinasama dahil masyado na kaming madami sa kotse. Bali, kaming tatlo nalang ni Dad, na nagmamaneho ngayon, ako, na hawak si Stella, at si Stella, na wala paring malay hanggang mgayon. Hindi ko din alam pero masyado na akong kinakabahan dahil ang dami nang dugo ang nawala sa kanya. Pagdating namin sa ospital ay agad kaming inasikaso ng mga tao doon ay si Dad na din ang tumingin kay Stella. Ako naman ay nasa isnag tabi lang at nanonood lang sa kanila dahil iyon lang ang magagawa ko. Maya-maya pa ay lumapit sa akin si Daddy at batid ko na kung anong meron sa muhka nya. "How is she, dad?" Tanong ko. Bumuntong-hininga naman si Daddy at hinawakan ang balikat ko. "She's ok. She's totally fine now. But, we have a problem." Sabi ni Dad na nagpakaba sa akin. "What is it?" Kinakabahan kong tanong. "Kailangan na namin syang operahan para tanggalin ang bata sa tyan nya." Sabi nito at hinigpitan ang pagkakahawak sa balikat ko. "What? Why?" Naguguluhan kong tanong. "Naagapan natin yung pagdudugo nya, pero hindi natin naagapan yung bata. Paul, patay na ang bata sa tyan ni Stella. Kailangan na iyon tanggalin dahil baka kumalat ang lason." Sabi ni Dad na lalong nagpahina sa akin. Kanina pa nga lang ay nanghihina na ako, ngayon ay parang ako na ang pinakamahinang tao sa buong mundo. Bigla nalang akong bumagsak at napaupo sa sahig at sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ito nangyayari ngayon. - Stella's POV - Nang magising ako ay ang bigat ng katawan ko. May benda na din ako sa ulo ko. Ang huli ko lang naaalala ay nag-aaway kami ni Rylee at bigla akong nadulas at nahulog sa hagdanan. Muhkang nasa ospital na ako ngayon. Pinipilit kong tumayo pero sadyang wala akong lakas. Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto at biglang lumitaw si Paul. Hindi ko alam pero bigla nalang ako nagtulog-tulogan. Muhkang malungkot sya ngayon at parang wala paring tulog. "Paano ko kaya masasabi sayo ang nangyari sa baby natin?" Malungkot nitong sabi. Maya-maya pa ay bigla nalang umiyak si Paul at doon na sya nagsalita. "Anong nangyari sa baby natin?" Kinakabahang tanong ni Stella. "Stella, gising ka na pala. Ok ka na ba?" Tanong ni Paul sa kanya. "Paul, anong nangyari sa anak natin?" Tanong nya. Hindi naman sumagot si Paul sa kanya at pinilit nalang manahimik. Iginalaw nya ang kamay nya at hinawkan ang tyan nya. Doon na pumasok ang realization ni Stella. "P-Paul, bakit wala na dito yung anak natin?" Naiiyak na nyang tanong. Hindi nya kasi alam kung anong nangyayari. "Matulog ka muna. Ok ka lang." Sabi ni Paul sa kanya at umiiyak parin. "Paul... Bakit?.. Ano bang nangyayari?" Humihikbi nang sabi ni Stella. Hanggang sa hindi nalang nila namalayan na umiiyak na sila pareho. - Paul's POV - Nang makatulog ulit si Stella ay sumaglit ako sa bahay. Medyo late narin ngayon at wala parin kasi akong kain kaya umuwi muna ako. Wala din kasi akong dalang pera ngayon. Pagdating ko sa bahay ay gising pa si Mommy. "Paul, napauwi ka? How's your girlfriend? How are you? I hear what happened?" Magkakasunod na tanong ni Mommy sa akin. "She's ok, mom. I'm totally fine, too." Sabi ko at pilit na ngumiti kay Mommy. Ngumiti din si Mommy at hinawakan ang kamay ko. "Anak, you know what? Sometimes, it's ok not to be ok. Anak, I know, pinipilit mong maging malakas, for your family, but you don't have to be strong, always." Sabi ni Mommy at pinipilit na hindi maging emosyonal. "Me and your Dad, get thru for so many problems that came to us, and I really love your Dad because he's strong enough not to be strong always." Nakangiting sabi nya at binitawan na ang kamay ko para punasan ang luha nya. "Marami pa ang dadaan sa inyo ni Stella, trust me. Pero, try being weak too. Because your Dad looks so hard when he's in front of our children, but his crying with me and say that 'We're going to be ok, someday.', for me, that's the real man do, anak." Sabi pa nya at niyakap ako. Ako naman ay walang nagawa kung hindi ibuhos ang lahat ng sakit sa pagkawala ng anak ko. Matagal kong iningatan ang anak namin at pagbubuntis ni Stella pero sa isnag iglap, parang nawala nalang din ang lahat. Maya-maya pa ay natigil na din ang pag-iyak at paghagolgol ko. Si Mommy naman ay nagsabing hahandaan muna ako ng pagkain na talagang mas lalong nagpagutom sa akin. Mabilis lang naman ang pagluluto ni Mommy kaya agad naman akong nakakain. "Ohh, mag-iingat ka. Ito, dalhin mo tong niluto kong lugaw at mga ulam para pwede din makakain si Stella. Pakainin mo din sya ng mga prutas para mas bumilis ang paggaling nya." Sabi nito sa akin. "Opo, mom." Sagot ko at pumasok na sa kotse ko. "Ingat ka!" Habol pa ni Mommy sa akin. Ngumiti naman ako at kumaway sa kanya. Pinaandar ko na ang kotse at dumiretso na agad ako sa ospital. Pagdating ko doon ay bumuntong-hininga muna ako bago pumasok ng kwarto ni Stella. Gusto ko kasing maging malakas ako tignan. Oo nga't tama si Mommy. Pero mas kailangan ni Stella ang pagiging matatag at malakas ko dahil ako lang ang masasandalan nya sa ngayon. Wala syang ibang pwedeng kapitan kung hindi ako lang. Muli akong bumuntong-hininga at sandaling pinilit maglagay ng ngiti bago ako pumasok ng kwarto nya. Pero pagbukas ko ng kwarto ay wala akong nakitang kahit anong trace nya, kahit na ano. Dahil dito ay bigla nalang akong nag-freak-out. - To be Continued -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD