Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng kaniyang silid at saka siya tuluyang napaluha. Gusto niyang bumaba kanina. Gusto niyang magtanong kung ano ang planong pinag-uusapan nila, pero natatakot naman siya kaya nanatili na lamang siyang nakikinig, pero hanggang duon lang dahil tumigil na si Owen sa pagsagot, kaya hindi niya alam kung ano ang plano na 'yon. "Ako ba? Ako ba ang planong tinutukoy nila?" Mahina niyang tanong sa sarili habang tumutulo ang luha niya. Hinimas niya ang kaniyang tiyan. Hindi niya hahayaang makuha ni Owen ang sanggol na nasa sinapupunan niya. Nararamdaman niya na may dahilan ang lahat sa magandang ipinapakita sa kaniya ng binata. "Hindi mo ako malilinlang Owen. Hinding-hindi mo ako malilinlang. Makikipaglaro ako sa laro mo, pero sisiguraduhin ko sa'yo na hindi ako a

