Alve POV
NAGLALAKAD ako sa may dalampasigan, pumupulot ako ng maliliit na bato para itapon sa may dagat. Sa paglalakad ko ay may nakita akong taong nakahiga sa may buhangin. Agad ko itong nilapitan.
"Miss," Tawag ko dito. Itinihaya ko ito, agad kung e.cheneck ang pulso nito sa leeg at palapulsohan nito. May pulso pa ito. Agad ko itong binuhat at nagmamadaling bumalik sa amin.
"Tulungan nyo ako." Sigaw ko. Mabuti na lang at di pa umalis ang mga barkada ko sa amin. Agad silang nagsitayuan ng makita akong may dalang tao.
"Bro, ano yan?" Tanong sa akin ni Fritz.
"Gago ka ba Fritz. Malamang tao yan." Batok ni Budoy dito.
"Sa'n mo yan nakita Bro?" Tanong sa akin ni Budoy.
"Sa may dalampasigan, walang malay." Sagot ko dito.
"Dalhin natin yan sa ospital."
"Ano ba yang pinagkakaguluhan nyo." Hinawi ni mama isa-isa ang mga barkada ko. Pagka kita niya sa babae ay nanlaki ang mga mata nito. "D'yos ko, Alve. Sa'n mo yan nakuha." Tanong nito sa akin.
"Natagpuan ko siya sa may dalampasigan Ma. Walang malay."
"Dalhin natin yan sa ospital."
Agad naming dinala sa ospital ang babae. Nag antay kami ng ilang minuto sa labas ng ER, dahil di kami pwede sa loob.
"Sino ang nagdala ng pasyente dito?" Tanong ng isang doktor.
"Kami po!" Di pa ako nagkapagsalita ay sumingit na ang mga kasamahan ko. Ngumiti ng alanganin ang Doktor.
"Isa-isa lang po, mahina ang kalaban." Tawa ng doktor.
"Ako po ang nakakita sa kanya sa dalampasigan." Agaran kung sabi sa doktor.
"Di mo siya kilala?" Kunot-noong tanong ng doktor sa akin.
"Hindi po eh."
"Gano'n ba. Okay na naman siya, mabuti at nadala agad dito, baka pag nagtagal pa ay madisgrasya na talaga ng tuluyan."
Tatango-tango kung sagot. "Bueno, ililipat na namin siya ng kwarto. And need din siyang e.observe."
Nailipat na nang kwarto ang babae at tinignan ko ito. Ang ganda naman niya. Sobrang ganda. Sino kaya siya? Ano kayang nangyari sa kanya. Marami akong tanong sa isip ko.
Ilang linggo din ang inilagi namin sa ospital. Hanggang ngayon ay di parin gumigising ang babaeng nakita ko. Nakaubo ako sa may gilid ng kama nito. Pumikit lang ako sandali, dahil ilang araw na akong walang pahinga.
Umangat ang ulo ko para tignan ang babae. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang nakamulat ang mga mata nito. "Gising kana."
"Ha!"
Agad akong tumayo at lumabas. Tinawag ko ang isang nurse na nasa nurse station.
"Miss gising na ang pasyente sa ward." Agad kung saad dito.
Agad itong tumalima para puntahan ang babae iyon. Agad akong sumunod. Nang makapasok ako sa kwarto ay sya namang pasok ng isang doktor. Agad naman nitong tinignan ang babaeng nakita ko noong isang linggo. Nanatili ako sa gilid at nakamasid.
"How are you, hija?" Kumunot ang noo ng babae.
"I feel strange? Who am I?"
Nagulat ako, di niya kilala ang sarili niya. Tumango-tango ang doktor.
"Alam mo ba kung taga saan ka?"
Umiling ito. "Hindi po." Mahina nitong sabi.
Bumaling sa akin ang doktor. "Okay na siya. Di naman malala ang kalagayan n'ya. Aside sa sugat niya sa ulo, wala din siyang matandaan. Kahit ang pangalan niya at kung taga saan siya." Tumango-tango ako.
"Salamat, dok."
Kanina pa umalis ang doktor at kanina pa din tahimik ang babaeng ito.
"Anong gusto mong kainin." Tanong ko dito. nag angat ito ng ulo.
"Kahit ano." Mahina nitong sabi.
"Sige. Labas muna ako."
TINIGNAN ko ang papalayong bulto ng lalaking iyon.
'Sino siya?'
Tinignan ko ang dextrose na nasa kamay ko.
'Nasaan ba ako? Sino ba ako?' Sapo ko ang ulo ko, dahil bigla na lang itong sumakit.
"Okay ka lang?" Tanong sa akin ng isang boses. Dahil nakayuko ako ay tumingala ako.
Di ko alam pero biglang nag slow motion lahat, kay lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Titig na titig ito sa mukha ko or sa labi ko? Di ko alam.
Bakit ang gwapo nito? Ano itong nararamdaman ko? Bakit kay bilis ng t***k ng puso ko, meron ding butterfly sa t'yan ko. Di ko mapangalanan ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ito.
Nang matauhan ito ay dali-dali itong lumayo. "Sorry." Hinging paumanhin nito.
Di ko alam kung bakit parang nasaktan ako, dahil nag sosorry siya sa akin o ano? Ay ewan ang gulo ko.
"Okay lang." Mahina kung saad.
"Ito na pala ang pag kain. Baka gutom ka na. Kain ka na."
Inilabas nito ang mga pagkain na binili nito. Bigla akong nagutom at kumulo ang t'yan ko. Dahil na rin siguro sa tagal kung nagising ay nakaramdam ako ng gutom. Agad kung kinain ang pagkain na binili nito. "Kilala mo ba ang sarili mo?"
Nilunok ko muna ang kinain ko bago ako nagsalita. "Hindi eh. Pasensya na." Sabi ko sabay yuko.
Hinila nito ang isang bangko at umupo sa may gilid ko. "Alam ko na, dahil di mo alam ang iyong pangalan ay papangalan muna kita." Inilagay nito ang kamay sa may baba na para bang nag iisip talaga ito. "Alam ko na," Nakangiti nitong saad.
"Papangalanan kitang Aryana. Oh! Di ba ang astig!" Nakangiti nitong saad. Ngumiti na din ako. Kahit di ko ito kilala, alam ko may mabuti itong puso.
"Sige!" Pag payag ko.
"Simula ngayon ikaw na si Aryana, Aryana ako si Alve, pero tawagin mo nalang ako sa palayaw ko na dodoy." Ngiti nitong pag papakilala sa akin.
"Okay!" Sang ayon ko. Pero 'di ko maintindihan ang sarili ko. I'm happy, 'cause I found this man. Sobrang masiyahin. Para bang walang problema.
NAG LAGI pa ako sa ospital ng ilang araw. Talagang iginapang ni Alve ang pambayad ko sa ospital. Kaya gano'n na lang kasama ang tingin sa akin ng isang babae na nag ngangalang Tasya. Nag iimpake na ako ng damit ko, dahil sabi ni Alve ay doon muna ako sa kanila. Hanggang sa di pa bumabalik ang aking alaala. Abala ako sa pag iimpake ng may tumabi sa akin.
"Alam mo, di ko alam kung bakit tinutulungan ka ni Dodoy, eh! 'Di ka naman niya kilala o kaano-ano!" Sabi nito. Nakacross arm ang dalawa nitong braso sa may dibdib nito. Nagpatuloy ako sa pag iimpaki. 'Di ko siya pinansin. Ayaw ko siyang patulan, ayaw ko ng gulo.
"Hey, I'm talking to you!" Hablot nito sa aking braso, pinaharap niya ako sa kanya. I look at her with a serious face.
"You know what? Just shut up. You don't know me. Hindi mo alam kung paano ako gumanti. Baka magsisisi ka." Malamig kung saad dito. Natulala ito kaya pinagpatuloy ko ang pag iimpaki.
"Lumalaban ka." Tulak nito sa akin. Kaya sumadsad ako sa may gilid ng kama. Tinignan ko siya ng sobrang sama.
"Tasya!" Sigaw naman ni Alve mula sa labas.
"Dodoy!" Bulong nito. Tinignan ko ang babae. Namumutla ito.
"Bakit mo ginawa iyon?" Tanong ni Alve sa babae.
"Siya kasi eh! Ang sakit magsalita." Sumbong nito.
Napatitig ako dito. "Ano?" Tanong ko dito.
"Totoo naman eh! Tinatanong lang kita, pinagsalitaan mo na ako ng masama."
Kumunot ang noo ko. "Alam ko, hindi ko ugaling e.explain ang sarili ko sa iyo, o kahit na kanino."
Shit, ako pa ang binaliktad ng gaga. Kanina pa umalis ang babaeng masama ang ugali.
"Okay ka lang?" Tanong nito sa akin.
"Oo naman." Malumanay kung saad.
"Pasensyahan mo na si Tasya. Gano'n lang talaga ugali no'n!"
"Wala namang problema sa akin iyon, Alve. Ang akin lang sana ay 'di niya ako ginanon. Alam mo di ko, ugaling mag explain sa ibang tao. Kung ano ang tama 'yon ang pinaglalaban ko." Dahil iyon ang nauna kung naisip, di ko alam kung bakit iyon ang una kung nasabi.
Sanabi ko kasi sa kanya ang nangyari kanina. Wala itong imik. Di ito nagsalita.
"Wag kang mag alala, pagsasabihan ko si Tasya."
"Is she your girlfriend?" Kumunot ang noo nito. Umawang ang labi na para bang kay sarap halikan.
'Stop it, Aryana, wag kang mag isip ng ganyan.'
"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Sorry. Mahina ako sa english eh. Alam mo na." Tumango-tango ako.
"Sabi ko nobya mo ba iyon?"
"Hindi." Agaran nitong sagot. "Ako na." Kuha nito sa travelling bag ko.
Nauna itong naglakad at agad naman akong sumunod sa kanya. Nang makarating kami sa labas ay nakita ko ang mga barkada nito na nakilala ko no'ng nakaraang linggo.
Masaya silang kasama, di ka mabobored. Nagkakantyawan at nag aasaran sila, kaya maraming sumusilip sa kwarto ko kung sa'n ako nakalagi. Eh! Pa'no ba kasi, sobrang ingay ng mga lalaking kasama ko. Do'n ko din nakilala si Tasya, na akala mo ay nobya ni Alve. Kung makaligkis kasi parang mag-on sila.
Nang mga araw na iyon ay nakaramdam ako ng sakit na sa twing dadalaw ang mga barkada nito sa akin ay palaging kasama si Tasya, lagi itong nakabuntot kay Alve at para bang naiingit ako.
"Anong tingin yan, Aryana? Bakit parang natatae ka?" Tanong ni Budoy.
"Tangi ka talaga, budoy!" Sabi ni badong sabay batok sa kapatid nito. Hinimas naman nito ang ulo na binatokan ni Badong. "Nagtanong ka pa. Kunin mo na nga lang ang bag ni Aryana na kay Bro-Bro." Agad namang kinuha ni Budoy ang bag. Mag renta pala sila ng isang sasakyan.
"Dodoy!" Sigaw ni Tasya. As usual nandito na naman ang babaeng malandi na ito. Napasimangot nalang ako. Agad na ito lumapit ang babae kay Alve at kung makadikit at parang tuko.
"Tasya, mahiya ka naman. Kung makadikit ka kay Bro-Bro namin, para kang tuko. Ikaw ang nobya? Ikaw?" -Fritz said.
"Malapit na," Nakangiti nitong saad na kinikilig pa. Napaismid ang mga barkada ni Alve, kabilang na ako doon.
"Bro, bakit di namin alam na nililigawan mo itong si Tasya? Akala ko ba mahilig ka sa magaganda? Di sa mukhang Chaka." Sabi naman ni Talyo sabay tawa.
Nakitawa na rin ako. Wala talagang magawa itong mga barkada ni Alve, puro kalokohan. Dahil sa kaingayan nila ay pati ang dumadaan ay napapatingin sa amin.
"Oo nga bro, ang mabuti pa, si Aryana na lang ang ligawan mo." Namula ako bigla dahil sa sinabi ni Jokie, lalo pa't palihim akong tinignan ni Alve, nag tama ang aming mga mata. "Iyan, maganda, sexy at may appeal. Eh, yang si Tasya? Naku bro, wag na lang, baka maumay ka kaagad." Napatawa na lang ako.
"Tumigil na nga kayo," Sabi ni Alve sa barkada nito, sabay baklas sa mga kamay ni Tasya na nakaliglis s braso nito. Napasimangot ang babae.
"Halika na." Inalalayan ako ni Alve, papuntang sasakyan.
"Ayon, ang sweet naman!" Kinikilig na saad ni Badong.
"Bakla ka talaga badong, wala sa lahi natin iyan."
Nasa byahe kami, papunta kina Alve, do'n daw muna ako habang di pa bumabalik ang alaala ko. Wala namang problema sa akin.
Lalo na't mababait ang mga taong ko-kopkop sa akin. Di nagtagal ang byahe ay agad naman kaming nakarating. Pumasok kami sa isang daan, papuntang baybayin. 'Di ko alam na malapit pala sa dagat ang bahay ni Alve.
Nang makarating kami ay agad kaming bumaba, isa-isa. Naglakad kami papuntang bahay ni Alve. Laking gulat ko ng sumigaw sila.
"Welcome Home, Aryana." Sigaw nilang lahat.
"Feeling close." Bulong naman ni Tasya, Eh, kung bulong ba iyon. Narinig ko kasi di ko na lang pinansin ang babae.
"Welcome home, Aryana. Nagustuhan mo ba?" Tanong sa akin ni Ante Perry, ang mama ni Alve.
Nginitian ko ito sabay tango. "Oo naman 'te, maraming salamat po."
"Naku, wag kang magpasalamat sa akin. Sila Budoy ang pasalamatan mo, sila ang naghanda nito lahat. Talagang pinag iponan." Napaluha ako.
"Oh! Wag ka ng umiyak."
"Salamat po talaga." Umiiyak kung saad. "Masaya lang po ako." Di ko akalain na makakatagpo ako ng mga taong ganito kabait na kahit di nila ako lubos na kilala ay handa nila akong tulungan.
"Aryana, anong nangyari." Lapit agad ni Alve may nababanaag akong pag aalala sa mga mata nito.
"Wala, Al. Masaya lang ako." Sabi ko, di maawat-awat ang mga luha sa aking mga mata.
Agad nitong pinunasan ang aking mga luha na sana ay di na lang niya ginawa. Sobrang lapit ng mga mukha namin. Kapwa kami napatitig sa isa't-isa, para bang nagslow motion ang lahat. Biglang tumibok ng malakas ang aking puso na para bang mabibingi ako.
"Hoy!" Napabitawa kami sa isa't-isa ni Alve ng mangulat si Fritz. Ngumisi ang lalaki. "Ikaw bro ha. Ninja move at hukage move ka ahh." Bulong ni Fritz sabay taas baba ang kilay. Agad naman akong namula.
"Doon muna ako, Al." Tango lang ang isinagot nito.
"Te, ang ganda mo naman. Para kang manika." Lapit sa akin ng isang bata, nasa 8 or 9 ito. Nginitian ko lamang ito.
"Oo nga." Lapit pa sa akin ng isang bata. Hanggang sa nagsilapitan na ang iba.
"Ako si Gail, te. Ito naman si Jhia, kapatid ko." Pakilala sa akin ng isang batang babae na tantya ko ay nasa dose anyos. Naaliw ako sa mga batang ito.
"Ako naman si Ange, ito naman si Gelyn kapatid ko." Ito iyong lumapit sa akin.
"Ako naman si toytoy te. Si taytay kapatid ko." Pakilala naman sa akin ng batang lalaki.
"At iyong lalaking katitigan mo kanina." Turo nito kay dodoy. Nabigla ako, nakita nila iyon. "Yoyo dodoy namin iyon. Ang gwapo di ba?" Pabida nila kay dodoy. Ngiti lang ang isinagot ko.
"Mga bata, kain na." Nagsipag lingunan ang mga bata sabay takbo sa babaeng tumawag dito. Di ko akalain na makakaramdam ako ng ganito, sobrang galak ang aking puso. Masaya ako kasi nakatagpo ako ng mga taong mabubuti ang puso.
"Masaya ka yata!" Sarkastic na saad ni Tasya. Agad itong lumapit sa akin. Ito na naman ang babaeng ito. Di ba ito nag sasawa.
Nawala ang ngiti sa akin labi, nasira bigla ang mood ko. "Alam mo, simula ng dumating ka, wala nang oras sa akin si Dodoy."
"And its not my fault." Sabi ko sabay tayo. I need to fight this girl. Sumosobra na kasi. "Hindi ko kasalanan na nawala ang oras niya sa iyo. Your not his girlfriend at bakit ka sa akin nag aalburuto? Do'n ka sa kanya mag hinaing di sa akin. And by the way, di ko kasalanan na nawala ang atensyon niya sa iyo. Di ko kasalanan na mas maganda, sexy at maappeal ako, kesa sa iyo." Sabi ko sabay talikod.
Di ko na hinayaan na magsalita ang babaeng iyon. Nakakainis. Tatahi-tahimik ako, pero kung sobra na lalaban at lalaban ako. Ano siya sinuswerte? Di pa ako baliw para hayaan siyang lait-laitin ako.