Rolyn POV NANDITO ako ngayon sa veranda ng kwarto ko. Assuall, di na naman ako sumipot sa aking Doktor. Pero alam ko sa sarili ko na meron talaga akong dinaramdam. Hanggang ngayon kasi ay di ko pa rin matanggap na wala na ang lalaking mahal ko ng dahil sa akin. Dahil na naman sa akin. 'Malas ba ako? Bakit pinaparusahan mo ako? Ano ba ang kasalanan ko?' utas ko mula sa itaas. Niyakap ko na lang ang aking sarili, dahil di ko na kaya ang nararamdaman ko. Di ko rin naman pinababayaan ang sarili ko pati ang anak ko. Hinimas ko ang aking t'yan, tatlong buwan na ito at ilang buwan na lang ang hihintayin ko para manganak ako. Excited na akong makita ang anak ko. Pero kulang pa rin, wala si Alve, wala ang ama ng anak ko. "Lyn, di ka na naman daw sumipot sa psychiatrist mo? Pa'no ka gagaling n'

