STSB #4

1910 Words
Alve POV TINITIGNAN ko si Aryana mula sa malayo, kanina ay nanaginip na naman ito, mga panaginip na di nito maintindihan at di niya masyadong nakikilala ang mga tao sa kanyang panaginip, dahil masyado daw malabo ang mga ito. "Baka matunaw." Sabi nito. Di ko ito nilingon, nanatili ang tingin ko kay Aryana. "Mukhang unti-unti ng bumabalik ang mga alaala niya, Bro!" saad ko dito. May bahid na lungkot at pag aalala sa boses ko. "Mabuti iyon!" Nakangiti nitong sabi, pero agad din iyong nawala ng makita niyang di ako masaya. "Bakit, di ka masaya?" tanong nito. "Natatakot ako na baka pagdumating ang araw na bumalik na ang ala-ala niya ay baka makalimutan na nya ako. Mahal ko na ata siya, Bro!" sabi ko dito. Alam kong may nararamdaman na ako sa kanya. Inakbayan ako nito. "ngayon ka lang ulit nag mahal ahh, After iwan ka ng first love mo, hindi na nagpakita eh. Kaya kalimutan mo na siya, Bro! Nand'yan naman si Aryana." Tinignan ko si Aryana, malungkot itong nakatanaw mula sa malayo, iniisip siguro nito ang mga panaginip nito. Gano'n na lang ba kagusto ito na bumalik na ang ala-ala nito. "At tsaka, Bro! Baka nakikita mo si Bea sa kanya. Magkamukha eh!" Isa din iyon sa nakikita ko kay Aryana, magkamukhang-magkamukha sila ni Bea. Ang babaeng una kong minahal. Mayaman si Bea, nakilala ko ito ng minsan ay napadpad ito dito ng tignan nila ang buong lupain ng Marindoque kung sa'n kami nakatira ngayon. Patatayuan kasi ito ng Planta. Engineer si Bea, nag O-OJT iyon ng mapadpad ito sa lugar namin. Alam kung unang kita ko pa lang kay Bea ay nabihag na nito ang puso ko. Maganda si Bea. Mabait, di mahirap pakisamahan. Kahit na mayaman ito ay di ito matapobre, marunong itong makibagay, makisama. "Nasaan na kaya si Bea no? Simula ng matapos ng OJT nito ay di na ito bumalik at nagpakita, alam ko namang may pagtingin iyon sa iyo eh. Sa gandang lalaki mo na iyan? Lahat nabibighani sa kagwapuhan mo." ngisi nito sa akin. "Alam mo puro ka talaga kalokohan." saad ko dito. Tinignan kong muli si Aryana, nakangiti na ito ng lapitan nito nila Gege, masaya itong nakipag kulitan sa mga pamangkin kung makukulit. Kaya tumayo na ako. "Oh! Sa'n ka pupuntan?" tanong nito. Di ko na ito pinansin at nagpatuloy sa paglapit kay Aryana. Ang ganda niya talaga. Sa malapitan man o sa malayo. Kanina pa kami nakauwi buhat sa baybayin. Nagpapahinga na ang mga tao sa kabuoan ng bahay. Sinilip ko si Aryana. Payapa na itong natutulog. Kaya nilapitan ko ito, pinagmasdan. Dahil alam ko na pag dumating ang araw na magbabalik ang alaala nito ay baka di na ito magbalik pa. Hinaplos ko ang kanyang pisngi, kay lambot nito. Kutis mayaman talaga. Paano kung mayaman ka talaga Aryana? Paano kung magkaiba ang mundo natin? Langit ka at ako ay lupa? Iibigin mo pa kaya ako? Napangiti ako ng mapait. Mahal mo ba ako Aryana gaya ng pagmamahal ko sa iyo? Hahaplusin ko pa sana ang kanyang pisngi ng isang beses. Pero agad kong binawi ang aking kamay, baka kasi nagising ito at mabigla. Tumayo na ako at lalabas na sa silid nito. Nang makalabas na ako at nakasalubong ko si Mama. Kumunot ang noo nito. "Ano ang ginagawa mo sa kwarto ni Aryana?" May bahid na pagdududa sa mga mata nito na para bang may ginagawa akong kababalaghan. Nilingon ko ang kwarto kung sa'n ako nanggaling kani-kanina lang. "Sinilip ko lang si Aryana, 'Ma!" saad ko. Tumaas ang kilay nito. "Sinilip? Bakit galing ka sa loob?" Namaywang ito. "Binubusuhan mo ba si Aryana?" taas kilay nitong pag aakusa sa akin. "Ma naman. Di ako ganyan ahh. Cheneck ko lang si Aryana. Baka kasi nanaginip na naman." Mas lalong kumunot ang noo nito. "Anong klaseng panaginip?" tanong nito. "Ewan ko, malabo daw eh, sabi niya." "Baka bumabalik na ang mga alaala niya." sabi ni mama. "Baka nga!" malungkot kong sabi. "Oh! Bakit ganyan ang boses mo? Bakit may lungkot?" tanong ni mama. "Parang iniibig ko na si Aryana Ma!" Ipinilig nito ang ulo. "Ganyan din ang sabi mo no'ng makilala mo si Bea, 5 years ago!" napabugtong-hininga ako. "Ewan ko, ang dali kung kalimutan si Bea, Ma. Nang makilala ko si Aryana at biglang nag iba ang ihip ng hangin. Para bang bigla na lang nawala ang pagmamahal ko kay Bea sa tagal ng panahon." "Sana pagbumalik na ang alaala ni Aryana ay kilalanin niya tayo." malungkot na saad ni mama. Dahil alam ko na napamahal na din si Aryana sa kanila. Napalapit na sa amin ang dalaga. Rolyn POV NAKAUWI na ako kagabi, galing kina Mama. Para akong tinurtore sa loob ng bahay na iyon, kaya ayaw kung umuwi dahil naaalala ko lang sa bawat sulok si Bea. Nasa klase na ako ng mapansin kung nakatitig ng natiim sa akin iyong babaeng panay ang lapit sa akin. Nang makita niyang nakatingin ako ay agad nag iba ang anyo nito at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Kumunot ang noo ko. Weird, kumento ko sa aking isipan. Ibinalik ko ang tingin ko sa harapan at nakinig na lang sa klasse, kahit na di naman ako nakikinig ay nasasagutan ko naman ng maayos ang bawat tanong. Ilang sandali lang ay natapos na ang klasse namin. "See you tomorrow, class." Paalam ng aming maestra at lumabas na ito sa aming klasroom. Isa-isang lumabas ang aking mga ka-klasse ay naiwan ako dahil nililigpit ko pa ang aking gamit. "Snack tayo, Lyn!" Di ko siya pinansin, di ko siya nilingon. Inabala ko ang aking sarili sa pag aayos ng mga gamit ko. "Lyn!" napatayo ako at mariin na napapikit. Hinarap ko siya. "Look, whatever your name is, stop plastering me. Your so annoying!" saad ko dito. "I just want to be your friend." Mahina nitong sabi. "Hindi ako nakikipagkaibigan, basta-basta. I don't trust people like you." sigaw ko dito. Nang matapos na ako sa aking mga gamit ay agad ko siyang tinalukuran at iniwang mag isa doon. "Ang harsh mo ahh!" sabi ni Glaiza. Nagulat ako dahil, di ko inaasahan na nandito sila. "Tama lang iyon sa kanya no!" cross arms na saad ni Nickie. "You know what Nick. Your just better." Glaiza said. Naglalakad na kami palabas ng school campus. "What did you say? am I better? No way! I'm just saying the truth, okay!" Napatawa na lang ako. "You know what, stop you two. You'll know that I have, trust issue. She need to earn my trust first, before I accept her as my friend." Natahimik ang dalawa. Nagpatuloy kami sa paglalakad, hanggang sa makarating kami sa parking lot. Nauna nila akong hinatid. Nang makarating na ako sa sasakyan ko at nakarinig ako ng ungol na totol na totol. "Lyn, di ba umuwi ka sa inyo?" sabi ni Glaiza sa akin. Ngumuwi ito. "Yes." nakangiti kung saad. "At bakit ganyan ang sasakyan mo pa rin? May bago kayong mga sasakyan na e.deneliver ahh. Sponsor ng mga client nyo." Nakapamaywang na saad ni Glaiza. "Alam mo naman kung ano ang ginagawa ko di ba?" saad ko dito. She just roll her eyes at me. "I know, you just try to hide your true identity." Sarkastic nitong sabi. "Just bear with me, Glai. Hindi ko gustong magulo ng tahimik kong buhay. Noon pa man ay pinangarap ko ng mabuhay ng simple lang." Sabi ko dito. May pagmamakaawa sa boses ko. Sila lang ang bukod tanging tumanggap sa akin, kahit na alam nilang di ko dapat ginagawa ito. "Na hindi naman dapat diba? You are a f*cking billionaire, Lyn. Taga pagmana ka ng iba't-ibang branches ng mga negosyo n'yo. You are the sole heir." "Not only me, Glai. Remember I have a brother." saad ko. "Pero lamang ang sa iyo. Rey is just your half brother. Ang mga kayamanan ng yumao mong lolo at lola both side ay na saiyo nakapangalan. Kahit na buhay pa si Bea. May namana si Bea, pero di tulad mo na malaking parte. Dahil, they want you live a better life na hindi aasa sa ina at ama-ama mo." "But, my father in name, is my father. Hindi man siya ang tunay kung ama ay itinuring ko siyang ama ko. Siya ang kinagisnan kung ama, noon pa man." Tinalikuran ko na sila. Di ko na kayang makipagtalo kay Glaiza, walang patutunguhan ang pag tatalo naming ito. Sumakay na ako sa sasakyan ko at pinaandar ito. Umalis ako sa kanilang harapan na naiinis. Kasalanan bang maghangad ng simpleng buhay? Kasalanan bang magtago ako sa isang maskara, di naman di ba? All I want is a simple life. Hanggat di nabubunyag ng totoo kung pagkatao ay mananatiling lihim ang aking totoong pagkatao kung sino talaga ako. Ayaw kung masira ang buhay na noon pa man ay pinangalagaan ko. Ayaw kung masira iyon, gusto kung manatiling simple at payapang buhay. Nakarating ako sa apartment ko na mabigat ang dibdib ko, dahil sa sagutan namin ni Glaiza, noon pa man ay ayaw na talaga niya sa ginagawa ko. Dahil di naman daw dapat ako nagtatago sa isang maskara. Pero ito ang gusto ko, ito ang kinalakhan ko. Nang iwan kami ng papa ko na di ko nakilala kahit kailan ay naiwan kami sa poder ng lolo at lola ko sa mother side ko. Doon ay pinakita niya sa aming dalawa ni Bea ang simpleng buhay sa probinsya. Kahit na alam naming may kaya ang lolo at lola namin ay nanatili ang kasimplehan nila. They own the whole Hacienda Mercedes ang hacienda ng lolo at lola ko. Kaya nakagisnan ko ang simpleng buhay, kahit na mayaman kami. Gusto kung mamuhay ng simple na kabaliktaran kay Bea. Gusto ni Bea ng mabuhay ng mayaman. Gusto niyang maranasahan kung paano mabuhay ng mayaman. Dahil kahit na mayaman sila lolo at lola ay namuhay din kami kung paano sila mamuhay. Kaya ng mamatay sila ay agad na kinuha kami ni Mama at pinatira sa bagong bahay nila kasama si Tito Bert. Si Tito Bert ang naging asawa ni mama, hindi lingid sa kaalaman namin na nag asawa si Mama at nagkaroon kami ng kapatid. Dahil kasal si Mama at Tito Bert ay legal kaming inampon ni Tito Bert at binigyan ng pangalan. Ibinigay ni Tito Bert ang kanyang pangalan sa aming dalawa ni Bea. Kaya siya ang kinikilala naming ama. Siya at siya lang ang ama namin ni Bea. My father died age ago. Hindi na namin siya nakilala. Bago lang din namin nakilala ang parents ng real father namin ni Bea. Pumunta sila sa burol ng kapatid ko at doon ko lang din nalaman na anak pala kami sa labas ng ama namin, dahil ng makilala ni Mama ang ama namin ay pamilyado pala itong tao. Pero di iyon alam ni mama no'ng una, nagpanggap ang aming ama na binata ito. Umibig si Mama, nagkaibigan silang dalawa, pero may hangganan nga siguro ang lahat, dahil bigla nalang daw naglaho na parang bula ang aming ama matapos kaming isilang ni Bea. Bea and I are twin. Magkakambal kami at nagkasangga sa lahat ng problema. Pero di magkamukha. Hinanap ni Mama ang aming aming ama at do'n ay nalaman niyang may pamilya pala ang aming ama. Kahit na madalas ay di ko siya pinapansin sa paaralan ay mahal na mahal namin ang isa't-isa, kaya masakit sa akin ang mawala ang kakambal ko, dahil sa kagagahan ko. Its all my fault, kasalanan ko kung bakit nawala ang kakambal ko, ang aking kasangga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD