Chapter Six

1431 Words
Kanina pang gising si Terrence. Naghahanda siya para sa paglilibot niya sa buong isla gamit ang yate nito. He needs to check the other side of the island. Baka may mga trespasser nang nakapasok doon na hindi niya alam. Katulad na nangyare kahapon na nakapasok pa mismo sa loob ng beach house nila ang babae. Natawa siya nang maalala ang sinabi nitong pangalan. Darna. Ang weird lang. Baka kaya iyon ang pangalan nito ay dahil taga-hanga ang mga magulang nito ng sikat na superhero na iyon. Pero kung iisipin ay nakakatawa pa rin lalo pa at nasa modern era na sila. Mukha tuloy na-stuck ito no'ng panahong kasikatan pa ang naturang superhero. Although kahit hanggang ngayon naman ay sikat pa rin ito. Kaya siguro gano'n ang ipinangalan sa kanya. Kinuha niya ang googles niya. Balak niya ring mag-snorkeling at mag-diving. May part kasi ang isla kung saan may mga magaganda at makukulay na corals na perfect paglanguyan. He is about to go at nang masigurado na okay na ang mga kakailanganin niya ay lumabas na rin siya ng pinto. "Aray!" anang tinig. Muntikan pa siyang nawalan ng balanse. Nabitawan niya ang bitbit na googles. Buti na lang at naging maagap siya. Nakatutok kasi ang mata niya sa dagat kaya hindi niya napansin ang nasa dinadaanan niya paglabas ng pinto. Napasimangot siya bigla. "Ikaw na naman? Ano bang ginagawa mo diyan? 'Di ba pinaalis na kita, ah?" aniya at pinulot ang googles na nahulog. Bumangon si Uela sa pagkakahiga sa sahig. Sapo niya ang binting naapakan nito. Napangiwi siya sa sakit. Nasaktan siya dahil do'n. "Hindi ka man lang ba magso-sorry?" tanong ni Uela at tinignan ng masama. Napabuntong-hininga si Terrence. Hindi makapaniwala sa sinabi nito. "At bakit naman ako magso-sorry? Ikaw 'tong nakaharang diyan sa daan. 'Di ba sabi ko sa 'yo kahapon umalis ka na," malakas nitong saad. Unti-unting tumayo si Uela mula sa pagkakaupo sa lapag at pinagpag ang mga buhangin na dumikit sa short niya. "Hindi ko pa makontak ang sundo ko, eh. Lowbat na rin ako. Baka pwede namang pa-charge kahit mga 10% lang," hinging pabor niya. "Abusada ka rin talaga, no? Basta ka na nga lang pumasok dito sa bahay ko tapos ngayon makiki-charge ka pa. Iba rin." "Hindi ako abusada. Nagbabakasakali lang naman. Ang damot mo naman masyado," akusa niya. "Anong sabi mo? Ako pa talaga ang madamot ngayon. Nakitulog ka na't lahat, nagbasag ka pa sa loob tapos ako pa ang madamot ngayon? Baka nakakalimutan mo pag-aari ko 'tong islang tinatapakan mo. At isa ka lang trespasser dito," seryoso nitong sabi. "Oo na. Trespasser na kung trespasser. Grabe ka naman. Kaya nga ako humihingi ako ng pabor, eh, para matawagan ko na 'yong sundo ko. Para makaalis na rin ako. Pasensya ka na sa istorbo." Saka yumuko sabay kinuha na niya ang backpack niya at akmang aalis. Naiyak na siya sa sama ng loob dito. Napakawala nitong puso. "Hindi mo ako madadaan diyan sa paiyak-iyak mo. Kahit magpumilit ka pa diyan na mag-charge wala pang kuryente. Hindi pa gumagana ang mga solar mamayang gabi pa kaya useless din," paliwanag niya. "'Di bale na lang. Mag-aabang na lang ako sa pampang baka sakaling may dumaan." Saka pinahid ang mga luha. Umaasa pa rin siyang baka anumang oras ay dumating na ang Tiyo Cardo niya. Magtiya-tiyaga na lang siya ro'n. At tuluyan nang naglakad papuntang pampang sa dati niyang pwesto. "Dapat pagbalik ko ay wala ka na. Hindi na ako natutuwa sa presensya mo. Hindi ko ma-enjoy ang isla ko dahil sa 'yo," ani Terrence at naglakad na rin papunta sa yate nito. Magkaiba sila ng direksyon at dinig ni Uela ang sinabi nito pero hindi na siya sumagot pa. Bahala na kung anong mangyare sa kanya. Ngayon lang siya naka-encounter ng lalaking walang pake. Napakawalang awa. Naiinis talaga siya rito. Inapakan na nga siya nito pero ni mag-sorry 'di pa magawa. "Grabe talaga ang lalaking iyon." Lumingon pa siya para tignan kung saan ito nagpunta. Pero wala na siyang pakialam. Tinignan niya ang cellphone niya may 5% pa ang battery life niya kaya nagbakasakali siyang makontak pa ang tiyuhin niya pero isang ring lang at tuluyan ng namatay. "Aahh...! 'Pag minamalas ka nga talaga," bulalas niya sa sobrang inis. Pinagsisipa niya ang buhangin para doon ibunton ang lahat ng kamalasan na nangyayare sa kanya. Hapon na pero wala pa rin ang Tiyo Cardo niya. Hindi na niya napigilang umiyak. Yakap-yakap niya ang kanyang mga binti habang umiiyak na nakatanaw sa malawak na dagat. Nawawalan na siya ng pag-asa na makaalis pa roon. Sakto naman na may napansin siyang bangkang de-motor sa may 'di kalayuan na dumaan. Dali-dali siyang tumayo para tawagin iyon. Nagtatalon at nagsisigaw siya. Umaasa siyang makikita at mapapansin siya. Pero sadyang napakalayo niyon. Hindi siya narinig at nilagpasan lang din siya. Napa-upo na lang uli siya sa buhanginan dahil sa sobrang panlulumo. May pag-asa na sana siya pero agad ding nawala. Napaiyak na lang uli siya. Kakadaong lang ng yate ni Terrence sa pampang. Nag-enjoy siya sa pag-snorkeling at pag-dive. Na-miss niya iyong gawin kasama ang daddy niya. Iyon kasi ang isa sa bonding nila kapag nasa isla sila no'ng buhay pa ito. Bumaba na siya ng yate na naka-diving suit na nakabukas ang zipper hanggang sa may bewang nito. Nakahantad ang katawan nito exposing his broad chest, shoulder and abs. Naglalakad na siya pabalik ng beach house para magbanlaw nang mapansin niya ang babae. Nandoon pa rin ito. At mukhang nakatulog na yata sa buhanginan. Mukhang wala pa rin ang sinasabi nitong sundo. Hindi niya alam kung may sundo ba talaga ito o nagsisinungaling lang ito. Nilapitan niya ito. "Andito ka pa rin? Miss, hindi ako nagbibiro na kasuhan ka kapag hindi ka pa rin umalis. Bumangon ka na diyan," sabi ni Terrence dito. Pero wala siyang nakuhang sagot o reaksyon dito. Nakahiga lang ito at nakapikit. Hindi niya alam kung nakaidlip lang ito o nawalan na ito ng malay. Kinabahan siya bigla. Baka patay na ito. Napabuntong-hininga siya. "Miss, ano ba?! Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo," muli niyang saad ngunit parang wala itong narinig. Lumuhod siya sa tapat nito para i-check kung buhay pa ito. Napansin niyang humihinga pa ito. Nabuhayan siya ng loob bigla. Napagmasdan niya rin ang mukha nito. Maganda din pala 'tong babaeng 'to! May ilang hibla ng buhok ang humiwalay sa pagkakapusod at napunta sa pisngi nito. Dahan-dahan niyang hinawi iyon. Maliit ang mukha nito. Maputi at halos pantay sa kulay ng balat nito. Mamula-mula ang pisngi pati na mga labi. May katangusan din ang ilong at makakapal ang kilay. In short maganda rin ito kaso payat nga lang. Hindi gano'n ang mga tipo niya. Gusto niya ang mga malaman at may kalakihang dibdib. Pero ang babaeng ito parang wala man lang pwedeng makapitan. Natawa siya sa naisip bigla. Pero aaminin niyang bumawi ito sa mukha. May kakaiba itong ganda na parang isang koreana. Hindi niya maialis ang tingin dito. Nakangiti siyang pinakatitigan niya lang iyon. Napaurong siya bigla nang biglang dumilat ng mata ang babae. Nagulat pa siya. Nagtama ang mga mata nila. Napabalikwas si Uela sa pagkakahiga nang mabungaran na may lalaking nakangiti na nakatunghay sa mukha niya. Kinabahan siya bigla. Agad itong lumayo at umaktong manununtok. Nakilala niya agad ito. "Anong bang ginagawa mo?" tanong niya. Nakatulog na pala siya kakahintay sa wala. Base sa ngiti ng lalaki kanina ay mukhang may binabalak ito sa kanya. "Ikaw! Bakit andito ka pa rin, ha?" tanong niya. "'Wag mong sabihin wala pa rin ang sundo mo?" "Malamang wala 'di ba? Andito pa ako, eh. 'Di sana wala na ako rito kung dumating na 'yon," pabalang niyang sagot saka sinimangutan ito. "At talagang namimilosopo ka pa, ha? Ayos-ayusin mo 'yang pagsagot mo. Over-stay ka na rito. Baka akala mo ay okay lang sa akin na andito ka pwes hindi!" galit nitong sabi. Medyo natakot siya sa sinabi nito. Hindi pa niya ito lubusang kilala. Pero base sa mga pinapakita nito at mga pagbitaw nito ng salita ay napaka-manhid nito at walang puso. Hindi niya alam kung anong kaya nitong gawin sa kanya. Ngayon pang silang dalawa lang tao ang nasa isla. Wala siyang mahihingan ng tulong 'pag may ginawa itong masama sa kanya. Hindi niya rin kabisado ang isla. Pwede siya nitong itapon sa dagat at ipakain sa mga pating hanggang sa wala nang makakita sa kanya. Hindi na siya makakauwi sa kanila. Maglalaho na lamang siya bigla. Binalot siya ng takot para sa sarili niya. Andaming posibleng mangyare. Nasa teritoryo siya nito at lahat ng nandoon ay pag-aari nito --- kasama na siya ro'n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD