Chapter Two

1209 Words
Kakatapos lang kausapin ni Uela ang tiyuhin niyang si Mang Cardo. Nagpaalam siyang kung pwede siyang mag stay sa isla kung saan ito ang caretaker ng isang private beach house. Pumayag ito na manatili siya roon ng ilang araw para makapag-concentrate siya sa sinusulat. Aside do'n ay umaasa rin siyang marami siyang maisip na bagong plot habang andoon. Wala pa naman ang may-ari no'n at nasa ibang bansa pa raw at nagbabakasyon. Inayos na niya ang mga gamit na dadalhin niya. Nang araw ring iyon ay umalis na rin siya. Mula sa terminal ng bus ay bumiyahe siya ng mahigit anim na oras papunta sa bayan ng Barcelona. Hapon na siya nang makarating doon. Medyo hilo-hilo pa siya sa sobrang tagal. Hindi rin siya naka-idlip gaya sana ng plano niyang matulog habang nasa byahe. Hindi iyon ang una niyang punta roon sa Barcelona. Taga-roon ang napangasawa ng tiyuhin niya kaya doon na rin sila tumira kasama ang asawa nito na si Tiya Carmen at dalawang anak nito na sina Cirlyn at Orlene na mga pinsan niya at halos ka-edad niya rin. Noong bata pa siya ay do'n siya palagi nagpupunta para magbakasyon at bumabalik lamang kapag malapit na ang pasukan. Kasama niya palaging naglalaro ang mga pinsan niya at ka-close niya ang mga ito. Dito sila mismo sa mainland nakatira at malayo sa isla. Pero 'yong isla kung saan ang tiyuhin niya ang nagbabantay ay first time niya pa lang mapupuntahan. Hindi pa siya nakarating doon kahit kailan. Pero dati pa niyang naririnig iyon. Pag-aari raw iyon ng mayamang mag-asawang Daza pero namatay na ang mga ito at ngayon ay ang anak na ang nagmana niyon. Pumupunta lamang daw doon ang anak kapag nagbabakasyon ito. Kaya ang Tiyo Cardo niya na ang tinalagang caretaker doon. Taga-bantay, taga-linis at nagme-maintain doon. Sabi sa narinig niya ay maganda raw ang isla at ang nag-iisang beach house lang daw ang istruktura roon. Isa raw kasi 'yong private property at walang pwedeng pumasok maliban na lamang sa kanyang Tiyo Cardo. Pasado alas kwatro na ng hapon. Kakababa niya lang ng bus. Ang mga pinsan nito ang susundo sa kanya. "Pinsan!" anang mga boses. Napalingon siya sa pinanggalingan niyon. Natuwa siya nang makita ang dalawa niyang pinsan at agad na sinalubong siya. "Oy! Gumanda ka na talaga, pinsan. Hindi ka kaagad namin nakilala nitong si Orlene." Si Cirlyn na tuwang-tuwa na makita siya. "Oo, nga, 'insan. Mas lalo ka pang pumuti. Nakaka-inggit ka. Siguro panay aircon ka ro'n sa Maynila." Si Orlene na medyo naiinggit. Natawa siya. "Ano ba kayo lotion lang 'to!" aniya. "Talaga?" sabay pang nagulat ang dalawa. "Share mo naman sa amin. Para ma-experience naman namin 'yang ganda at puti mo." Si Orlene ulit. Morena kasi ito kaya gano'n na lang ang kagustuhang pumuti. "Sige, mamaya," sagot niya. Kapwa natuwa ang dalawang pinsan niya. Wala ang mga itong alam sa totoong trabaho niya at kung bakit gano'n siya kaputi. Ikaw ba naman ang hindi nalabas ng bahay at puro kulong lang sa kwarto. Ewan ko na lang. "Tara na, pinsan. Kami na 'yang bahala sa bag mo." Sabay kuha sa kanyang sukbit na backpack. Tiyak ay pagod at gutom ka na. Naghanda si nanay ng masarap na hapunan." Na-excite siya bigla. Ngayon pa lang siya ulit makakain ng local dish nila. Na-miss niya iyon. "Salamat. Tara na!" At umalis na sila. Bago siya tuluyan na umalis ay sinamahan pa siya ng mga ito na mamili ng mga groceries at personal na gagamitin at dadalhin niya ro'n sa isla. Nang gabing iyon ay masaya silang nagsalo sa isang masarap na hapunan. At tama nga ang naisip niya mga local dish ang inihanda at nakahain. Napadami ang kain niya. Nabusog siya ng sobra. Bago sila natulog ay sinabi niya sa mga ito kung bakit siya pupunta sa isla at kung anong gagawin niya roon. Ikunuwento niya rin sa mga pinsan niya ang tunay niyang trabaho at kung bakit gano'n siya kaputi. Halos hindi makapaniwala ang mga ito ng sabihin niyang isa siyang romance writer at siya si Lady Elle sa totoong buhay. Nagbabasa rin kasi ang mga pinsan niya ng mga pocketbooks kaya may ilang beses na rin silang nakapag-basa ng gawa niya at 'di nila alam na siya pala 'yon. Tuwang-tuwa ang mga pinsan niya at proud na proud sa kanya. Bilang regalo ay binigyan niya ng kopya ng mga nobela niya ang mga ito. Bukas ng umaga ang alis nila ng tiyuhin niya papunta roon sa isla at sasabay siya rito. Kailangan na niyang magpahinga. Mga dalawang oras din ang tagal ng biyahe papunta roon sakay ng bangkang de motor. Na-excite siya na makarating doon. Saktong bukang-liwayway sila umalis. Saktong papasikat pa lang ang araw. Napakaganda pagmasdan niyon habang unti-unting sumisikat. Kumikinang pa ang tubig dagat dahil sa sinag nito. 'Di rin masyadong mainit. Banayad ang mga alon. Sariwa ang hangin. 'Di niya mapigilan ang sariling langhapin iyon at ibuga. Nakakagaan ng kalooban. Nakakawala ng stress. Malayong-malayo sa Maynila. Mukhang magiging maganda ang araw ngayon. Ilang sandali pa ay may natatanaw na siyang mga isla pero hindi pa raw iyon. 'Yong islang pupuntahan nila ay wala raw katabi. Nag-iisa lamang daw iyon sa gitna ng dagat. Matapos nang mahabang byahe ay narating na nila ang isla. Napanganga siya sa ganda niyon. Kulang ang salitang wow kung ide-describe niya ito. Nakikita niya lang sa mga postcard at internet iyon. White sand beach iyon. Malinaw at malinis ang tubig at may isang kalakihang beach house na nasa bungad mismo ng isla. Kitang-kita iyon sa malayo dahil sa kulay niyong puti. Parang ayaw pa niyang bumaba ng bangka at gusto niya lang pakatitigan iyon. Such a beauty to be hold. "Ang ganda pala rito, Tiyo Cardo," baling niya sa tiyuhin nang makababa sa bangka. Inalalayan pa siya nito na maglakad sa tubig. Medyo low tide kasi kaya 'di na kaya ng bangka ang umabot sa medyo mababaw pa. Tuwang-tuwa siya habang nasa tubig ang mga paa. Ngayon pa lang uli siya nakatapak sa dagat. Hindi na niya maalala kung kailan ang huli. Nang makarating sa pampang ay namangha siya sa buhangin na parang pulboron iyon sa sobrang lambot. Katulad ito ng nasa Boracay. Dumapot siya niyon at pinaglaruan sa kamay. Nagtatakbo rin siya na parang bata. Napakasaya niya sobra. Sumunod siya sa tiyuhin nang pumasok ito sa loob ng magarang beach house na 'yon. Dalawang palapag iyon na very modern ang design. Kaka-renovate pa lang umano iyon sabi ng tiyo niya. At kailangan i-maintain ang kagandahan niyon. Sosyalin at talagang napaka-mayaman ng may-ari. Mukhang pinag-kagastusan sa mga materyales na ginamit doon. Maging ang mga furniture at appliances na mukhang mga state of the art. Tiyak niyang milyones ang ginastos doon. Hindi lang ito ordinaryong beach house para na iyong villa sa sobrang gara. Nakaka-inggit ang magkaroong ng ganoong kagandang lugar sa sariling isla. Pangarap niya rin na magkaroon ng sariling isla at ganoong kagandang bahay kapag marami na siyang pera soon. Balak niyang libutin ang buong bahay mamaya. Maghahanap ng magandang pwesto kung saan siya pwedeng magsulat. Tinulungan niya ang kanyang tiyuhin sa paglilinis doon bilang kapalit ng pag-stay niya roon. Mukhang matatapos niya ng maaga ang sinusulat niya. At makakasulat pa ng ibang nobela. Perfect ang lugar at hindi siya nagkamaling doon magpunta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD