Naubos na ni Terrence lahat ng beers. Pero hindi pa siya lasing. Sisiw lang sa kanya ang limang lata na iyon. Samantala si Uela ay bangenge na at nakatulog na sa upuan. Lagpas sa kalahati ng bote ang nainom nito. Laklakin ba namang parang softdrinks ang wine. Kahit papaano ay nakakalasing pa rin iyon lalo na sa mga hindi talaga umiinom at mababa ang alcohol tolerance. Niligpit niya muna ang pinag-inuman nila at dinala sa kusina. Pagbalik niya ay saka niya ginising ang dalaga. "Babe este Louela," gising niya rito. Natawa siya sa sarili. Kung ano-ano na rin ang lumalabas sa bibig niya. Pero sa totoo lang ay gusto niya ang sinabi nitong babe ang itawag sa kanya. Nag-inarte lang talaga siya kanina. Gusto niya sanang seryosohin iyon pero alam naman niyang binibiro lang siya nito. Ayaw niyang

