Chapter Four

1376 Words
"Aaah..." Nabitawan ni Uela ang kapeng dala sa sobrang pagkabigla. Natapon iyon sa sahig at nabasag ang tasa. Agad niyang itinakip ang mga kamay sa mata. May lalaking nakahubad sa harap niya. Naalarma siya. Nakita niya ang kahubdan at kabuuan nito. He was in flesh. Wala na itong maitatago pa sa kanya dahil nakita na niya lahat dito. Sa tanang buhay niya ngayon pa lang siya nakakita ng walang saplot na lalaki in person at sa harapan pa niya. Na-eskandalo siya. Aaminin niya na-shocked siya na gano'n pala ang itsura no'n. Hindi naman siya nanonood ng p**n. At walang mga gano'n sa mga sinusulat niya. Romantic-comedy ang genre niya. Ibig sabihn lang ay hindi lang pala siya ang tao roon. Hindi siya nag-iisa roon. May kasama siya at lalaki pa. Sino ito? Samantala sa sobrang taranta ay nagmamadali namang kinuha ni Terrence ang nalaglag na tuwalya mula sa sahig. Agad niya iyong itinapi sa bewang para takpan ang walang saplot na katawan. Hindi niya inaasahan na may madadatnan siyang tao roon at babae pa. Iniisip niyang solo niya ang beach house nila. Private property iyon. Paano ito nakapasok? At mismong nasa loob pa ng bahay? At home na home pa ito dahil nagkakape pa talaga ito. "Who are you? Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa maawtorisado nitong tinig. Pero walang siyang nakuhang sagot dito. Nagtitili pa rin ito. Nagtagis ang mga bagang niya sa sobrang inis. "Shut up!" galit niyang sigaw. At humakbang palapit sa babae. "'Wag kang lalapit. Diyan ka lang," awat niya. Hindi pa rin inaalis ang mga kamay na nakatakip sa mata. "Sino ka ba?" ulit ni Terrence. "Miss, pwede ba 'wag kang OA as if ngayon ka lang nakakita ng lalaking nakahubad. 'Wag kang pa-virgin diyan!" Nagpanteng ang tenga niya at napilitan siyang harapin ito. Tinanggal niya ang mga kamay sa mata. Pinilit na kinalma ang sarili. Bahala na kung makita niya ulit ang nakita niya. "Hoy! Excuse me. Virgin pa po ako. FYI lang," mataray niyang sagot ni Uela. Napatingin na siya ng diretso nang makitang nakatapi na ito ng tuwalya. Pero hindi pa rin nakaligtas sa paningin niya ang katawan nitong nakahatad. Napalunok siya. Maganda talaga ang katawan nito. Jusko! Parang gusto niyang maglaway. At kahit may towel na ito naalala niya pa rin ang mga nakita niya kanina. Fresh pa rin sa memorya niya. Pero mas napagtuunan niya ang mukha nito. Ito na yata ang pinaka-gwapong lalaking nakita niya. Halos perfect na ito mula ulo hanggang paa. Kanin na lang talaga ang kulang. "Really?" Napangisi ang lalaki. Halatang ayaw maniwala sa sagot niya. Napasimangot si Uela sa reaksyon nito. "Sino ka ba?" tanong ni Uela. "Ako ang unang nagtanong sa 'yo kaya ikaw ang unang sumagot," balik nito. "Wala akong dapat sagutin, Mister. Ikaw 'tong bigla na lang sumulpot diyan na naka-burlesk. Akala mo naman kalakihan 'yang ano mo." "Aba't! 'Wag kang ganyan, Miss. Tulog pa nang makita mo 'to. 'Pag ito biglang magising baka magtatakbo ka diyan," pananakot pa nito with confidence. "Bastos! Ang kapal ng mukha mo. Hoy! Wala akong pakialam at wala akong balak na gisingin 'yan. Hindi ako interesado diyan," sabay simangot. Hindi niya talaga gusto ang kayabangan nito. Natatawa ang binata sa sagot nito. "Ba't namumula ka? Looks like you're not comfortable. 'Wag mong sabihin ngayon ka palang nakakita nito?" pang-iinis pa nito. Na-consious tuloy si Uela. Namumula nga ba siya? Ang bastos talaga ng lalaki. Paulit-ulit nitong pinapaalala sa kanya ang nakita niya. Bumabalik din tuloy sa utak niya ang mga iyon. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi. Inosente pa ang mga mata niya kaya siguro gano'n ang epekto sa kanya. Pinilit niyang balewalain iyon at muling hinarap ito. "Mabuti pa, Mister, ay umalis ka na. Baka maabutan ka pa ng may-ari rito." "Why would I do that. Eh, ako ang may-ari ng islang ito. Kung may dapat mang umalis dito ay ikaw 'yon, hindi ako," sagot niya. "Weeh? Ikaw? Kalokohan. Alam mo, Mister, wala ang may-ari rito. Hindi ko alam kung paano ka nakapasok pero kung may balak ka na gagawing masama itigil mo na. Hindi ka rin makakaalis dito." Namangha si Terrence sa pinagsasabi nito. Napabuga pa siya ng hangin. Siya pa talaga ang pinagsasabihan nito ng mga gano'n. At sa mismong pagmamay-aring beach house at isla pa niya. The guts of this woman! Ayaw niyang patulan ito pero parang hinahamon siya nito. "Enough of this conversation, Miss. Umalis ka na. Wala akong pakialam kung paano mo gagawin 'yon. Basta ayaw na kitang makita rito. Kung hindi ay kakasuhan kita ng tresspasing. You just entered my property without my permission," seryoso niyang banta. First day palang ng bakasyon niya ay na-stress na siya agad. Dapat ay nagre-relax siya at ine-enjoy ang pinakamamahal niyang isla pero kaka-start pa lang ay ito agad bumungad sa kanya. "'Wag mo akong takutin. Pareho lang tayong nakikigamit dito. Ni hindi nga kita kilala, eh!" "Well, let me introduce myself to you. Terrence Inigo Daza. And you are?" Nanlaki ang mata ni Uela. Daza? Ang sabi ng tiyuhin niya ay mag-asawang Daza ang may-ari ng islang ito at meron itong nag-iisang anak na lalaki. Napaisip siya bigla. Hindi kaya ito 'yong nag-iisang anak? Naku yari na! Napangiwi siya sa naisip. Mukhang kilala na niya ito. The one and only son. The heir of Daza Group of Companies. Napahiya siya bigla. "Sir, pasensya na po. Hindi ko po alam. Patawarin niyo po ako," hinging paumanhin niya. Napakunot-noo ang binata sa inakto nito. Mula sa pagiging palaban kanina ay bigla itong naging maamong tupa. Mukhang may kakaiba rito. Pero wala na siyang pakialam. Kailangan na nitong umalis. Hindi niya alam kung paano ito nakapasok doon. Kailangan niyang makausap si Mang Cardo tungkol dito. Hindi niya alam kung ilang beses nang nangyare na may nakapasok sa property niya. But he needs to check kung may nawawala ba sa mga gamit doon. Parang may nakakapasok doon na hindi alam ng care taker niya. Seems like his care taker didn't do his job. Napapabayaan na nito ang trabaho nito. At ang beach house pa talaga ang hindi na-secure. Importante sa kanya lahat ng gamit na nandoon. May mga masasaya at magagandang alaala ang mga magulang niya roon kaya hangga't maaari ay gusto niyang panatilihin iyon. Kaya nga niya gusto niyang dito magbakasyon para mag-reminisce. He misses his parents so much. Gusto niyang maalala ang mga ito dahil dito sa isla at beach house buhay na buhay ang mga alaala ng mga nito. They almost spend their last happy days bago mangyare ang plane crash. At gusto niyang sariwain iyon habang nandito. "Miss, umalis ka na. You're not welcome here." "Paano? Wala akong bangka? Anong sasakyan ko?" tanong niya na may pag-aalala. "Hindi ko na problema iyon. Hindi ko alam kung paano ka nakarating dito. Just leave my island." Nalungkot siya bigla. Akala pa naman niya ay nahanap na niya ang perfect place para sa pagsusulat niya kaso mukhang disaster pa. Ang malas naman niya. Wala siyang choice kundi sundin ang inuutos nito. He owns the island. At isa siyang tresspaser doon. Wala siyang karapatan. Mukhang desido pa naman itong totohanin ang banta nito na kakasuhan siya. "Pasensya ka na. Kukunin ko lang mga gamit ko," ani Uela at nilampasan ito. Ilang sandali pa ay lumabas na siya bitbit ang backpack niya. "Sigurado ka bang wala kang kinuhang ibang gamit?" ani Terrence na nakapamewang na nakatayo sa may pinto. Still on his towel. "Grabe ka naman. Trespasser lang ako pero 'di ako magnanakaw. Sige i-check mo kung ayaw mong maniwala," aniya at tinanggal ang bag sa pagkakasabit sa balikat niya. Sa halip na bulatlatin pa ang mga gamit nito ay hinayaan na lamang ni Terrence ito. "'Wag na. Just make sure na umalis ka na sa isla ko as soon as possible." Tumango na lamang si Uela. Ang saklap ng kalagayan niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Wala pa ang tiyuhin niya. Tanghali pa raw ito darating. Dumiritso na siya sa pinto kung saan naroon ang lalaki. Nilagpasan na niya ito at tuluyan nang lumabas. "Hey, wait!" tawag ng lalaki. Lumingon siya. Hindi niya alam kung may kailangan pa ito sa kanya. Pina-paalis na siya nito. "What's your name again?" tanong pa nito. "Darna," sagot niya at saka nagpatuloy sa pag-alis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD