Kanina pa siya kinakausap ni Terrence pero hindi niya ito pinapansin. Nasa harap niya ito at panay salita pero hindi niya iniintindi. Nakatutok lang siya sa sinusulat niya. Naiinis pa rin siya rito. Tinakot siya nito kagabi. Halos atakehin siya sa puso sa sobrang takot tapos malalaman niyang ito ang may gawa no'n. Pinaglaruan at pinagloloko siya nito kagabi. Tapos ngayon kakausapin siya nito na parang wala lang. Neknek niya! Wala siyang planong kausapin ito. Mas mabuti na rin 'yon siguro para matapos na niya ang sinusulat niya at para na rin wala nang mangungulit sa kanya. Makakapag-focus siya sa kanyang ginagawa. Nagsawa na siguro ito dahil ni hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin. Umalis na lamang ito bigla. Hinayaan niya lang ito. Mag-eleven am na. Gutom na si Uela. Hindi si

