Chapter 37 Aika's POV: "Kailan tayo aalis?" masiglang bungad sa akin ni Lee ng makapasok ito sa kwarto 'ko. Nabanggit 'ko kasi sa kaniya na uuwi muna ako ng Paris at sasama raw siya. "Hmmm.. not sure kung sa saturday or sunday depende kung makakakuha ako ng flight ng sabado which is better." Kaya nga nag empake na ako ngayon ng mga gamit 'ko. Ayoko naman talagang umalis pero iyon ang pinaka tamang gawin. Habang tumatagal kasi lumiliit masyado ang mundo namin ni Ayen. Madalas na siya rito sa bahay, umuuwi na rin siya Cebu para makasama si Mommy at ngayon, gusto siyang sanayin ni Dad sa negosyo kaya madalas kaming magkita sa opisina which is not good for me dahil lagi niya rin kasama si Rye. "Inform mo ako, basta sabay tayo pumuntang Paris." Nakangiting binagsak ni Lee ang katawan niya

