Chapter 44 Rye's POV: "Hoy Rye, umupo ka nga, kanina kapa palakad lakad diyan. Para kang tinira sa puwet ah," Mapang inis pang sabi ni Range na lalo 'kong kinasibangot pero.imbis na patulan siya ay muli 'ko lang tinawagan si Aika. Usapan namin ay susunduin 'ko siya before three o'clock pero mag aalas dyis na at wala pa rin siyang kahit na anong text o tawag, panay lang ang ring ng cellphone niya kaya hindi 'ko mapigilan ang mag alala. "Huwag kang paranoid, Rye. Si Lee naman kasama ni Aika kaya ligtas siya." Dagdag naman ni Lucas habang tinuturuan niya pang magsulat si Gian. "Hindi eh, parang may mali, kanina pa ako tawag ng tawag pero hindi siya sumasagot." Hindi naman ugali ni Aika na hindi sumagot ng tawag, siguro pag busy siya sa trabaho pero isa hanggang dalawang missed call la

