Jelaica's point of view... ************ Pasado alas-otso na ng umaga no'ng magising ako, wala naman kasing taping ngayon si Sir Zyller kaya naman hindi na ako nag-abalang gumising pa ng maaga para ayusin ang mga gamit niya. Nag-ayos na ako ng sarili pagkatapos ay lumabas na ng kwarto, medyo maaliwalas ang paligid ngayon at wala akong nararamdamang kahit na anong kakaibang energy, siguro ay napagod na 'yung mga multo dito na magpakita pa sa akin. Dumiretso na ako sa dining area at nadatnan ko naman do'n sina Ma'am Daisy at Sir Zyller na kumakain na ng breakfast. "Oh, Jelaica, gising kana pala, let's eat," paanyaya ni Ma'am Daisy sa akin no'ng mapansin niya ako. Tinanguan ko na lang siyang at lumapit ako sa isang bakanteng upuan sa gilid ni Sir Zyller. Nangunot naman ang noo ko no'ng b

