Jelaica's point of view... ************ Maaga akong nagising ngayong araw dahil kailangan ko pang ayusin ang mga gamit ni Sir Zyller at maging ang mga gamit ko na rin. Ngayong araw na kasi ang byahe namin pabalik ng maynila. No'ng matapos ako sa pag-aayos ng lahat ng mga gamit namin ay binuhat ko naman ang mga ito papunta sa labas ng bahay at isinakay sa likod ng van na sasakyan namin. Mabuti na lamang at tinulungan ako ng isang kasambahay nila Ma'am Daisy, mas gumaan tuloy ang trabaho ko at mas mabilis akong natapos. "Oh, where's Zyller?" Nabaling ang atensiyon ko kay Ma'am Daisy na kalalabas lang ng bahay. "Hindi pa po siya lumalabas," sagot ko naman dito. "Gano'n ba, okay, pupuntahan ko na lang siya sa kwarto niya," sabi naman ni ma'am Daisy, akmang aalis na sana siya para puntah

