Jelaica's point of view ****** Tahimik na nagmamaneho si Sir Zyller nong magtanong ako. "Ahm Sir saan po tayo pupunta?" Tanong ko pero tumingin lang siya sa akin at ngumiti tss weird niya ha. Kanina pa kasi kami nagbyabyahe at hindi ko na alam kung nasaan kami. "graawwrl" Napahawak ako sa kumakalam kong tiyan, hmm kanina pa kasi ako nagugutom. "Do you want to eat?" Tanong ni Sir Zyller kaya nabaling ang tingin ko sa kanya, tss narinig niya yata 'yung tummy ko. "Ahm pwede po ba? kanina pa kasi ako nagugutom eh" Sagot ko pero pigil lang siyang tumawa habang nakatingin sa daan. "Tignan mo 'to magtatanong tanong tapos pagtatawanan lang ako, tss If I know ayaw lang talaga niya manlibre, tss kuripot." Nakapalukipkip nalang ako at ibinaling nalang ang tingin sa labas ng bintana. Napang

