Alice's point of view...
************
Katatapos ko lang maglinis dito sa sala, kaya naman naisipan kong magpahinga muna kahit sandali at umupo rito sa malambot na sofa. Napatingin ako sa flat screen T.V na nasa harapan ko at napangisi ako no'ng maisipan ko ang isang bagay. Tumingin tingin na muna ako sa paligid upang masiguro na walang ibang taong makakakita sa akin.
"Wala naman dito si Aling Magda, baka pwede naman akong manuod ng T.V." Kinuha ko ang remote at in-open ko ang T.V at nagmadaling naglipat lipat ng channel, hanggang sa wakas ay nahanap ko na rin ang hinahanap ko, napangiti na lang ako bago ako...
"Waaaaaahhhh! Ang gwapo niya talaga!" Pagsusumigaw ko sa isip ko, hindi kasi ako pwedeng mag-ingay dahil baka marinig pa nila ako. Nakatitig lang ako sa screen ng T.V habang proud na proud na pinapanuod ko ang lalaking sumasayaw at kumakanta sa aking harapan! Kung pwede lang sanang pumasok diyan sa loob ng T.V ay ginawa ko na!.. 'Juskodai!'
"Uy! Ano'ng ginagawa mo?!" Napaigtad ako sa nanggulat sa'kin at agad na napatingin ako sa kanya. No'ng makita kong si Jelai lang pala ito ay nakahinga naman ako ng maluwag...
"Hay, akala ko kung sino na, ikaw lang pala," tanging sagot ko kay Jelai na ngayon ay nakapamewang na.
"Oras ng trabaho oh, nakuha mo pang manuod ng T.V, ah naku bahala ka kapag ikaw nahuli ni Aling Mag-..." Pinutol ko na ang sasabihin niya dahil tuloy-tuloy na siya niyan sa panenermon.
"Shh!.. Oo na, oo na, alam ko po, pero saglit lang naman kasi eh!" Napatingin nanaman ako sa pinapanuod ko at muling napangiti ng buong puso.
"Sino ba 'yan?" bigla namang tanong ni Jelai, dahilan para kumunot ang noo ko.
"Hindi mo siya kilala?" balik na tanong ko sa kanya.
"Ay, oh sige, kilala ko siya kaya ako nagtatanong," sarkastiko niyang sagot na inirapan ko lang.
"Tsk, siya lang naman ang pinakasikat na artista at popstar prince rito sa pilipinas! At 'wag ka! Ang tawag sa kanya ng lahat ay Prince Zyller, bagay na bagay lang sa mala prinsipe niyang kagwapuhan!" sagot ko with matching pagpikit pikit pa.
"Talaga?" sagot naman nito habang nakatingin lang sa screen at pinapanuod ang prince ko tss.
"Parang nakita ko na siya?" sabi pa niya na ikinanguso ko.
"Malamang, nakikita mo siya ngayon, may mata ka kaya! Naku ikaw talaga bessy!" sarkastiko kong sagot pang bawi man lang sa pamimilosopo niya sa akin kanina hehe.
"Tsk, bahala ka nga riyan, patayin mo na 'yan baka maabutan kapa ni Aling Magda, sige ka!" pang-wawarning niya na inirapan ko lang.
"Oo na!" Sabay kuha ko sa remote para i-turn off ang T.V
************
Jelaica's point of view...
Iniwan ko ng mag-isa si Alice sa may living room, napahalukipkip na lang ako habang nag-iisip dahil, "parang nakita ko na nga talaga ang lalaking iyon eh, hmmm may kamukha siya, saan ko na nga ba 'yun nakita?" nasabi ko na lang sa isip ko, hindi ko pa rin kasi maalis sa isip ko 'yung lalaking nakita ko kanina sa T.V.
"Ays, hayaan na nga, ito kasing si Alice eh, kung anu-anong ginagawa sa oras ng trabaho." Papunta na sana ako ngayon sa kitchen para maghugas ng pinggan no'ng bigla na lang lumitaw ang isang imahe sa harapan ko.
"We need to talk," seryosong sabi ni Sir Vlad, inilibot ko muna ang paningin ko sa paligid bago ako sumagot...
"Sige po, Sir." Pagkatapos no'n ay bigla na lang nawala na parang usok ang imahe sa harapan ko.
Samantalang ako ay nagmadali nang umakyat sa 2nd floor ng mansion para puntahan si crush ay este si sir Vlad sa kwarto niya. No'ng makarating ako sa harap ng pinto ng kwarto ay agad kong pinihit ang doorknob, hindi ito naka lock dahil alam niyang pupuntahan ko siya. Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay bumungad naman sa akin si Sir Vlad na ngayon ay nakahiga lang sa kama at nagbabasa ng isang libro.
"Natagalan ka yata?" bungad na sabi niya sa akin na inismiran ko lang.
"Eh, Sir, umakyat pa po kasi ako at naghagdan, hindi naman po ako nagteteleport," sarkastiko kong sagot sabay upo sa sofa na nasa harapan ng kama niya.
"Haha I'm just kidding," sabi niya habang nakangiti, kaya naman napangiti na lang din ako sa kanya bilang tugon, dahil mahirap i-resist ang charm niya lalo na kapag ngumingiti. Natigilan ako no'ng bigla na lang mag sink in sa isipan ko ang itsura ng lalaking nakita ko kani kanina lang sa T.V.
"Hmm may pagkahawig sila nito." Naputol ako sa pag-iisip no'ng bigla siyang bumangon at naglakad palapit sa akin para umupo sa tabi ko.
"May plano ako at kailangan na natin itong gawin as soon as possible," sabi niya na tinanguan ko lang.
"Sige po, Sir," sagot ko naman.
"This is our plan, kailangan natin puntahan ang mga places na lagi niyang pinupuntahan, like bars, gym, hotel, restaurant and so on," seryoso niyang sabi.
"Hah? Sa dinami dami po ng ganyang lugar dito sa maynila, kaya ba natin hanapin ang lahat ng 'yan, Sir?" tanong ko, habang nakakunot pa ang noo.
"Don't worry, I know exactly where these places are, " sagot naman niya na marahan kong tinanguan.
"Ibig sabhin, Sir, magkasama kayo everytime na pumupunta kayo sa mga ganyang lugar?" tanong ko rito, dahilan para tumungo ito...
"Hindi, pero-..." Pinutol niya na ang dapat sana'y sasabihin niya at bigla na lang itong nanahimik.
"May problema po ba, Sir?" pang-uusisa ko, dahilan para umiling ito.
"Nothing," tipid niyang sagot, kaya naman marahan na lang akong tumango.
"Just tell me, when is your free day para maumpisahan na natin ang paghahanap," sabi niya, nangunot ang noo ko no'ng mapansin kong nagbagong bigla ang awra niya, naging parang mabigat at malungkot ito.
"Ah this sunday, Sir, day off ko po," tanging sagot ko.
"Okay then, thank you, y-you may go," sabi niya na agad ikinakunot ng noo ko dahil nagbagong bigla ang pakikitungo nito sa akin, gayunpaman ay hindi ko na lang siya inusisa pa at lumabas na lang ako ng tahimik sa kwarto niya.
Habang tinatahak ko ang hagdan pababa ay napapaisip pa rin ako kung, "Ano kaya ang nangyari sa kanila ng kapatid niya? Bakit gano'n na lang kung malungkot siya" Sa pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan pang nakababa na pala ako ng tuluyan sa hagdan at...
"Huy bessy! Kanina pa kita hinahanap saan ka ba nanggaling?" bungad na tanong sa akin ni Alice, dahilan para mabaling sa kanya ang atensyon ko.
"A-Ah, ehh, doon lang, pinunasan ko lang 'yung hagdan," palusot ko pero parang hindi ito kombinsido.
"Wala ka naman dalang basahan ah," pagtataka nito.
"Ah! Baka nakalimutan ko lang sa taas, tama!" sagot ko agad, sabay hakbang ko sa hagdan pabalik sa taas para wala na siyang itanong pa.
"Sorry bessy, pero mahirap na kasi kapag may nakaalam ng sikreto ko." Napabuntong-hinga na lang ako sa nasabi ko sa isip ko. Hindi kasi alam ni Alice na may kakayahan akong makakita ng mga multo, ayaw ko rin kasi itong matakot sa akin o di kaya'y piliin nitong dumistansiya sa akin.