Kabanata 32 Nag-aabang ang buong dibisyon ni Cylinder sa kanilang pinuno. Nakamasid lang sila mula sa malayo, tinatanaw ang mga nullifier na nagmamartsa patungo sa kastilyo ni Prinsipe Chronos. Malapit na ang mga ito. Kaya kung wala silang gagawin ay makararating agad ito sa kastilyo. Halos nasa limampu ang bilang ng mga ito at nakapila habang sabay-sabay na naglalakad. May mga suot silang itim na kapote, natatakpan ang buong mukha maliban sa bibig. Hindi rin kita ang mga kamay at paa nila na para bang natatakot na mangitim dahil sa sikat ng araw. Walang gumawa ng kahit anong hakbang sa kanila upang pigilan ang mga ito hangga’t wala pa si Cylinder. Ito lang ang tanging nakaaalam kung paano ang gagawing hakbang. Kung haharapin man ito at kalalabanin ay wala silang magagawa. Ngunit ang da

