Kabanata 28 Nang matapos si Peter sa pag-aayos ng mga dadalhin niya ay lumabas na siya sa kaniyang silid. Isang maliit na bag lang ang dinala niya na naglalaman ng pagkain at ilang mga damit na pampalit. Bukod roon ay wala na siyang dinala dahil magiging pabigat lang ang mga iyon. Marami pa naman siyang naiwang mga gamit sa imperyo ng emperador na maaari niyang magamit. Kahit na umalis na sila roon ay may mga gamit pa rin silang magkakapatid sa lugar sa tuwing gusto nilang bumalik doon. Dederetso na sana siya sa kwarto ni Kinro upang tingnan kung tapos na ito nang mapansin niyang nagkakagulo ang ilan sa mga katiwala sa loob. Agad siyang naalarma lalo pa at ang ilan sa kanila ay nagsisigawan nang para bang may lumulusob sa kanila. At hindi nga siya nagkamali. Kaharap na ng ibang titan a

