Kabanata 30

1394 Words

Kabanata 30 Napasandal na lang si Peter matapos ang marinig. “Teka,” pagpapahinto niya rito, “sinasabi mo bang nilalagyan nila ng gene ng mga murklin ang mga mortal para maging gaya namin sila? Ganoon ba ang nangyari kay Dante at hindi siya normal na naging murklin lang?” Tango ang sinagot ni Cylinder. “Pero paano naman malalaman ni Churchill kung paano gawin ‘yon? Imposibleng malaman niya nang siya lang. Wala pang mga sapat na kagamitan sa mundong ‘to para sa agham.” “Iyan ang malaking palaisipan sa ‘min ngayon. Bigla na lang silang nagkaroon ng kakayahang gawin ang bagay na tanging natural na sanhi lang ang makagagawa. Kaya nag-imbestiga agad si ama tungkol doon.” Si Web Tempest ay ang hari ng Tempest Clan. Kilala sila ng lahat lalo na at mga mortal sila na pinaboran ng mga imortal.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD