Kabanata 23 Bwesit Malalim akong bumuga ng hangin. Ramdam na ramdam ko ang tensidad sa pagitan naming tatlo. Mariin ang mga titig ni Alrus sa kaibigan kong cool lang na nakaupo habang may ngisi sa labi. Mahigpit kong hinawakan ang gilid ng sofa at kinagat ang labi. "Hindi mo sinabi sa akin na dito kayo titira ng anak ko! Sa lahat ng tao, sa ibang lalaki pa talaga!" Alrus said furiously. I sighed heavily. Kanina ng maabutan niya kaming nag-uusap ni Brix, kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Hindi ko alam ang gagawin dahil maging ako ay kinabahan sa itsura niya. Honestly, kapag nagseselos siya, sobrang hirap talagang suyuin. Nagiging matigas ang puso at mahigpit sa akin. Noon, kapag naaabutan niya akong may ibang kausap na lalaki, tumatakbo na agad ang puso ko sa kaba at takot. Mal

