Kabanata 21 Peaceful Pinanood ko siya habang hinang-hina na umupo sa hagdanan ng restaurant. Kitang-kita ko sa mukha niya ang panghihinayang para sa araw na ito. Bumuga siya ng malalim bago yumuko. Napangiti ako ng malungkot, pinagmamasdan ang lalaking minahal ko ng husto noon. He changed. Iyan ang nasa isip ko ngayon. Bakit at kung paano ko nalaman? Si Alrus kasi ang tipo ng lalaki na hindi marunong magmakaawa sa ibang tao. Ayaw niyang humingi ng awa kahit pa ikakabagsak niya. Matatag siyang lalaki. Mataas ang pride pero ngayon, habang pinagmamasdan siya alam kong may nagbago. Hindi sa pisikal na anyo kung di pati rin sa ugali niya. I sighed. Siguro kailangan ko din siyang bigyan ng pagkakataon na magsalita at ibahagi sa akin ang eksplenasyon niya. Kailangan ko din sigurong pakinggan

