Kabanata 12 Patay ka Pagod akong humiga sa tabi ng anak ko. Pagkarating ko sa bahay, hindi ko na naisapan pang kumain dahil antok na antok na ako. Halos hindi ko na nga rin nahubad ang suot na damit dahil gusto na ng mata ko ang matulog. Niyakap ko si Adriel habang nakatalikod siya sa akin. Hinayaan ko ang sarili na lamunin ng dilim. Umiiyak, nagdurusa, pighati at kasawian ang lumilitaw sa panaginip ko. Umiiyak ang isang babae habang nakaupo sa sahig at nakayuko. Sawing-sawi sa naririnig kong hagulgol niya. Sinubukan ko siyang lapitan at patahanin ngunit unti-unting lumalayo sa akin ang dilim. Sinubukan ko parin siyang abutin ngunit kinain na siya ng dilim. Nagising ako na pawis ang bumungad sa akin. Hingal na hingal dahil sa paulit-ulit na panaginip. Bakit ganoon palagi ang pumapasok s

