Kabanata 6 Umuuwi Malungkot akong nakaupo sa swivel chair habang naghihintay ng susunod kong pasyente. It's been two days since Brix left. Nakakawalang ganang kumain at ngumiti dahil wala siya. Grabe, ilang araw palang kami nagkasama pero bumagat na siya sa puso ko. Hindi ko naman siya matawagan dahil wala akong numero niya. Sobrang boring ng dalawang araw ko. Maging sa condo ay walang kabuhay-buhay. Pumasok si Lalaine at hinarap ako. "Doc, wala na po kayong patient." she said politely. Huminga ako ng malalim bago tumango sa kanya. Tumayo ako at hinubad ang hospital suit. Inabot ko ang bag at lumapit sa biometric attendance para mag time out. Napahinga pa ako ng malalim bago magpaalam kay Lalaine. Pasado alas-singko palang ng hapon kaya ayoko pang umuwi ng condo. Gusto ko munang magp

