Meet Two Stranger

1300 Words
kinabukasan. Tanghali na ng ako ay nagising. Binuksan ko ang TV dahil wala naman akung ibang mapaglibangan. Na bored din ako sa kakanood dahil wala akong nagustuhan sa mga palabas or kahit sa news man lang. Kaya naisipan kung lumabas nalang para mag ikot-ikot kahit saan. Nagmadali akong naligo. Pagkatapos kung maligo at magbihis ng susuotin ay agad kung nilisan ang hotel. Nag hanap muna ako ng mapagkainan dahil nakaramdam ako narin ako nang gutom. Ilang sandali lang ay nakakita ako ng restaurant. Natakam ako sa masarap na pagkain kaya pumasok na ako. Nang may lumapit sa akin na waitress at tinanong kung ano ang order ko ay agad kung sinabi kung ano ang gusto ko. "Ma'am ano po ang order ninyo?" tanong niya sa akin. "Butter chicken miss," saad ko sa waitress. Agad na itong umalis ng makuha na niya ang order namin. Nag antay lang ako ng ilang sandali at dumating na ang order ko. "Maam, ito na po ang order ninyo." sabi ng waitress. "Salamat miss," ganting sabi ko rito. Pagkasabe ko ay agad na itong umalis. Nagsimula narin akong kumain dahil gutom na ako sa mga oras na iyon. Pagkatapos kung kumain ay agad kung tinawag ang waitress na lumapit sa akin kanina. Pagkatawag ko ay agad naman itong lumapit. "Ano iyon maam?" tanong ng waitress. "Tumatanggap ba kayo ng credit card dito?" tanong ko naman rito. "Yes po ma'am," saad naman nito. Kaya kinuha ko ang credit card ko sa bag at inabot ko iyon sa kanya. kinuha naman niya ito at saka umalis. "Paantay lang po maam sandali," saad naman nito. "Sige! miss," saad nito. Pagkasabe nito ay agad na itong umalis sa kinatatayoan niya. Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik narin siya. "Maam ito po ang card at risibo ninyo salamat po," inbot niya iyon sa akin at kinuha ko naman ito. Nagiwan ako ng tape bago ako umalis. Nang makaalis na ako sa restauran ay naisipan ko na mag lakad-lakad habang maghahanap ng Mall. Nalibang ako sa aking paglalakad dahil marami akong nakikita na magaganda at nakakaakit sa mga mata. Nakakita ako ng pasyalan at kaya lumapit ako dito at ng tambay muna. Hindi naman gaano ka init sa oras na iyon dahil natatakpan ang araw sa mga ulap. Naglalakad-lakad ako para malibot ko ang kabuuan ng plaza na iyon. Nang mapagod ako ay umupo ako sa upoan na nakita ko. Mayamaya lang ay may lumapit sa akin na lalaki. Mukhang mabait naman ito kaya kinausap ko. "Hi miss, pwede ba makipagkaibigan sa'yo?" "Ahm sige ok lang naman," at umupo siya sa tabi ko. "Ako pala si Kevin ikaw?" "Ako naman si Miles," "Wow ganda naman nag pangalan mo," "Hehehe! Salamat ah," "Siya nga pala kanina pa kita napapansin na ang longkot mo, kaya nilapitan na kita." "Ay ganoon ba? Bago lang ako dito sa manila at wala akong ka kila pa kasi," "Ahh… Kaya pala mukhang malungkot ka," "Hindi naman ako malungkot hindi lang ako sanay na mag isa." "Sabagay ganoon talaga pag napalayo sa pamilya maninibago ka," "Hehehe, oo nga eh." tangi ko na lang nasabi sa kanya. "Kung gusto mo ng makakasama pwede ako," "Sigurado ka?" "Oo mukhang mabait ka naman eh." "Sige lika samahan mo ako sa mall maglibot tayo bored kasi ako sa hotel," "Sige tara na." sabay hila niya sa kamay ko kaya nagpatianod na ako sa paghila niya sa akin. Naglalakad na kami na hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. Binitawan niya lang iyon ng tomikhim ako. "Ay, sorry Miles pasensya ka na sa'kin," "OK lang iyon," "Samalat, malapit na tayo sa mall kunting hakbang nalang," "Uhm!" sabay tango ko nalang. Ilang saglit lang ay narating na namin ang mall at pumasok na kami agad rito. "Dito na tayo tara pasok na tayo." "Sige!" Sabi ko habang naka ngiti. At pumasok na kaming dalawa at naglibot-libot kami. Ang saya ko din naman habang naglalakad kami sa mall. Naging panatag ang loob ko kay Kiven, hindi ko ito pinagdodahan ng masama. Makalipas ang ilang oras at nagpaalam na ako dito sa kanya ng matapos na kami sa paglilibot. "Uhm, mauna na ako sayo Kevin mag gagabi na rin kasi," "Ayaw mo ba mag dinner muna bago ka umuwi libre ko." "Sige kung libre mo," Agad na namin nilisan ang mall at naglakad kami habang naghahanap ng makakainan. Nangmaka hanap na kami ay nag order na si Kevin. At pagkatapos naming kumain ay iniwan kuna siya bag iyon ay hininge niya ang number ko. "Uhm... Miles, pwede ko ba hingiin umber mo?" "Ay... sorry Kevin, wala kasi akong cellphone." "Ay, ganoon ba? sige sa susunod nalang," "Oh siya, salamat sa araw na ito. Mauna na ako sa'yo," Kumaway siya sa akin kaya kinawayan ko din siya. Pumara na ako ng taxi ng may nakita ako. Wala itong laman na pasahero kaya agad ako nakasakay. Pagka sabi ko sa driver ng adress ay agad na itong umalis. Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na ako sa hotel. Agad akong bumaba sa taxi at pumasok na sa hotel. Habang nasa elevator ako may na kasabayan akong lalaki. Naka titig siya sa akin ng diko alam dahil nakayuko lang ako. Nang bigla akong napaligun sa kanya at nakita kung nakatingin din siya sa'kin kaya nginitian ko ito at gumanti din siya ng ngite. Bumokas na ang elevator kaya dali-dali akong humakbang palabas at nagka bunggoan kami kaya nagka titigan kaming pareho. "Ay sorry..." sabi ko dito. "Sorry din nagmamadali kasi ako eh," Pina una na niya akong lumabas. "Ladies first kaya mauna kana," at ngumite ito. "Salamat" sabi ko at ngumite narin ako. Naglakad na ako papunta sa kwarto. Bubuksan ko na sana ang pinto ng makita ko ang lalaki sa katabing pinto. "Hi! magkatabi lang pala tayo ng room," saad ko. "Oo nga eh, hehehe!" sabay kaway sa akin. Nginitian ko ito at sabay bukas ng pinto at pumasok na ako. Pagka pasok ko ay agad na akong pomunta sa banyo at naligo. Pagkatapos kung naligo ay agad na akong humiga sa kama dahil Nakaramdam ako ng pagod. Ilang sandali lang Naka tulog din ako ng di ko namamalayan. Kinabukasan. Nagising ako sa liwanag ng araw na tumama sa mata ko. Dahil hindi ko pala na sarado ang kurtina kagabe. Kaya agad na akong bumangon at tinungo ang banyo para maligo. Pagkatapos kung naligo ay bumaba na ako ng hotel para mag almusal. Naghanap ako ng mapagkainan ng nakita ko ang lalaki kagabi sa elevator. 'Hi miss, magandang umaga!" bati nito. "Hello magandang umaga din sayo," "Saan pala ang punta mo?" tanong niya. "Uhm… maghahanap ako ng mapagkainan eh," "Ganoon ba. pwede sumabay?" "Huh? Sa karinderya lang ako kakain kasi diko afford restaurant," "Okay lang bago lang din ako dito sa lugar na ito. Kanina pa ako naglalakad naghahanap ng mapagkainan wala ako mahanap kasi," "Dapat nagtanong-tanong ka sa mga tao rito sa paligid," "Nahiya ako eh. Baka maloko ako dito. Kasi isipin nila bago lang ako kaya nila ako lolokohin," "Hindi naman siguro, pero kung yan ang iniisip mo sige tara sama ka sa'kin." "Sige salamat ah!" Sabay na kami naglalakad papunta sa karinderia na kinainan ko noong isang araw. Ilang minuto ang ni lakad namin hindi naman kalayoan iyon. Kina kabisado ko pa and daan kaya natagalan kami nakarating. Nang mahanap ko iyon ay agad kaming lumapit at pumasok na rito at nag-order narin. Habang kumakain kami ay nagkukwentuhan kami. "Salamat sayo ah." "Walang ano man bago lang din kasi ako dito kaya diko pa masyado tanda dito," "Okay lang yan nahanap mo rin naman," Ngumiti na lang ako bilang ganti sa sinabi niya. "Dahil sinama mo ako dito libre na kita," "Okay lang kahit hindi na," "Libre na kita isipin mo nalang bayad ko iyon sa'yo," Tumango nalang ako bilang pagsang ayon sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD