ELIZA POV “Eliza…!,” hindi makapaniwala ang hitsura ng lalakeng kaharap ko ngayon na nagtagpo na muli ang aming landas. Kay tagal ding panahon na nakalimutan ko na siya. Bakit ngayong naghilom na ang sugat ng nakaraan ay bumalik na naman siya? Para ano pa, para guluhin muli ang payapa at masaya ko ng mundo? Lumunok muna ako ng maraming beses bago nagsalita. I need to calm my senses. Ito na naman kasi ang puso kong naghuhumirantado sa kaba. Kailangan kong ipakita sa kanya na hindi ako matitinag sa kanyang presensiya at talagang nakamove on nako kahit wala naman talagang kami. Pinarausan, ginamit at tinapon niya lang ako, iyon lang iyon. “Anong ginagawa mo dito?walang emosyon kong tanong sa kanya “I am glad we finally bump in with each other again… puwede ba kitang makausap?,” he smil

