"Liza, kausapin muna man si Anton, kanina pa iyang nagpapahiwatig na gusto kang lapitan pero mukhang takot at nahihiya sa iyo baka pagalitan at pagtaasan mo ng boses," sabi pa sa akin ni Inay Linda. "Nay, nakauwi na ba ang lahat ng bisita?," pag- iiba ko ng usapan kasalukuyan akong nasa aking study room at nakatutok sa aking laptap at abala sa pagbabasa at pagsasagot ng mga emails. Kahit ang laki-laki na nga screen tv sa aking harapan na may footages ng surveillance camera ng bawat silid at sulok ng mansion ay gusto ko lang talagang ibahin ang usapan. Isang iling lamang ang sinagot ko kay inay. "Ano nga ba ang dahilan ng hindi mo pagkausap kay Anton anak? Kung ano man ang hindi ninyo pagkakaintindihan, sana ay pag-usapan ninyo ng maayos at magkasundo na kayo," untag ni inay sa akin. "N

