Chapter XXII- The Call

1100 Words

Eliza POV Pasado alas siyete na ng gabi ng makarating ako sa aming tahanan. Naabutan ko si Inay Linda at Rica na naghahapunan sa aming munting lamesa sa kusina. Inanyayahan nila akong sumabay sa kanila sa pagkain ngunit tumanggi ako. Mukhang masarap pa sana ang ulam dahil paborito kong tuyo at adobong kangkong ngunit pagod talaga ang aking katawang lupa at kailangan ng magpahinga. "Inay, magpapahinga na po ako at napagod ako sa biyahe. Rica ikaw na bahala dito," malamya kong sabi dahil bibigay na talaga ang aking talukap sa matinding pagod. "O, siya bes, pahinga ka na mukhang galing ka sa bakbakan at lowbat ka na, ako ng bahala dito" iiling-iling na sabi ni Rica. Tumuloy na ako sa aking silid. Ni magpalit ng damit ay hindi ko na naggawa. Tanging black leather jacket ko lang ang aking n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD