HER POV “Wow, fren, hindi ka na talaga mareach.. kahit pa siguro buong araw na libutin ko itong mansiyon mo ay hindi ko matatapos!,” anas pa ni Rica sa akin na hindi mapigilang mamangha sa paglilibot sa bagong tapos na mansiyon na pinaggawa ko. "Sobra ka naman Ric! Hindi naman sobrang laki nito na hindi na tayo magkikita- kita. Sakto lang ito para sa atin nila Inay Linda," komento ko pa na nangingiti na rin sa reaksiyon nito. "Haler sakto lang, sobra- sobra na ito para sa atin. Iyon lang nga bahay ninyo sa probinsiya ay hindi na nga tayo naririnig ni nay Linda sa mga harutan at tsismisan sa maliit mong silid, ito pa kaya!," paliwanag pa nito. "Haist, fren, siyempre level-up na tayo ngayon iba na ang buhay natin ngayon at kasama ka sa pag-asenso ko!," tinapik- tapik ko si Rica sa kanyan

