Eliza POV "Welcome to your new home, Esay," masiglang bungad ni Anton ng pagkapasok pa lang namin sa pinto ng condo unit niya. Ngumiti na rin ako ng pilit upang hindi siya madismaya. Ako pa ba dapat ang magiinarte na nagmamagandang loob na ang tao na patirahin niya ako ng libre sa kanyang condo unit. Hindi pa rin kasi ako nakamove sa pag-iyak sa pag-alis ko sa aming munting tirahan sa bayan. Almost ten years of my life, ngayon lang ako titira sa ibang bahay. Nasanay na din ako sa payak na pamumuhay sa bayan kasama ang mga taong kumupkop sa akin. Si tatay Fidel at nanay Linda. Kahit masakit sa akin na iwan si Inay Linda ay kailangan kong tiisin alang-alang sa aking paghihigante upang makamit ang tunay na hustisya. Tiyak na nabili na ng salapi ang hustisya para sa aking tunay na mga mag

