Eliza POV Humahangos ako sa katatakbo matakasan lang si Enzo. Balak ko sanang magbantay sa tindahan ngayong araw dahil nabuburo na ako sa bahay sa kahihintay sa tawag ng inaplayan kong kumpaya. Ang hirap palang maging isang unemployed. Isang linggo palang ang nakakaraan buhat ng ako'y makapagtapos ngunit ito ako hindi mapakali. Hindi kasi sanay ang utak kong walang iniisip o ginagawa tulad ng dati na nag-aaral pa ako. Bago ako nagtungo sa palengke ay nakapagluto na ako ng agahan ni Inay Linda pati ang kanyang tanghalian ay naihanda ko na rin. Nakapaglaba na rin ako at nalinis ko na ang bawat sulok ng kabahayan. Panatag din ang ang aking isipan ng umalis sa bahay dahil nandoon si Rica sa bahay na nagbabakasyon. Hindi ko alam ang trip ng babaeng iyon. Sa liit ng aming bahay ay mas gusto pa

