Chapter VII- Fly Back Home

774 Words
Enzo POV Hatinggabi pa lang ay nasa airport na ako, waiting for my name to be called at the boarding area. Alas 3 pa naman ang flight ko pero ito ako, excited at di mapakali. This is my first time to travel alone going back to the Philippines, where my heart is. Umabot din ng sampung taon ang paghihintay ko sa pagkakataong ito. It's now or never, tapos na ang pagtitimpi ko na si Titodad ang nasusunod at nagdedesisyun sa anong dapat gawin sa paghahanap kay Eliza at pati na rin sa pagtugis sa totoong may sala sa pagpatay sa mga magulang ni Eliza. It's f*****g 10 years, sa loob ng mahabang panahon nagpakalunod ako sa pag-aaral, pag-aalaga kay Mommy at pagpapayaman. Ngayon ang tamang panahon para harapin ang multo ng nakaraan at mabigyang hustisya ang karumaldumal na pagpaslang sa mga magulang ni Eliza. Palagi na lang sinasabi ni Titodad na ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para malutas ang kaso, Nakakakuha din minsan ng lead at mga suspects pero pinapalabas din sa kulangan dahil walang sapat na ebidensiya. I told him to use his power and all our f*****g money to serve justice but bigo pa rin siya, ni walang konkretong development sa kaso. Mukhang pinipirahan lang kami ng nakuha niyang private detective para masusing maimbistigahan ang kaso. When I hired another agent to look for Eliza, pareho pa rin walang exact lead kung nasaan na si Eliza. When I told Titodad that I will personally look over the case, but he refuses, siya na daw ang bahala sa lahat. I can't wait another decade to see Eliza, ikakamatay ko na siguro kung ganun man ang mangyayari at mas lalong-lalo na si Mommy baka tuluyan na itong bumigay. When my flight number and name was called, I stand up and fix myself.Karga- karga ang aking backpack, sinuot ko ang aking shade at black denim jacket paired with my tattered jeans and sneakers.Tuloy- tuloy ang aking paglakad papunta sa eroplanong ang aking sasakyan pabalik sa Pilipinas. I am boarding first class private cabin inside this airplane. Pagpasok ko sa loob ng cabin may flight attendant naman na umasikaso sa akin. May flat screen tv na nasa harapan ng upuan kung saan ako nakapuwesto. Binigyan ako ng welcome smile ng attendant at tinanong king ano pa ang kailangan ko. I just smiled and said thank you at sinandal ko ang aking likod sa lounger seat at inumpisan na ang pagtulog. Naramdaman ko naman na may pumatong na bagay sa aking harapan, kinumutan ako ng attendant. Hahayaan ko muna ang aking katawang lupa at isipan na makapagpahinga dahil bukas ay nasa Pilipinas na ako at tiyak marami akong bubunuin at gugulin na panahon sa pagpapahanap sa nawawala kong Eliza. Napasarap ang aking tulog, siguro nga ay pagod na pagod ako kaya't di ko namalayan na nagtake-off na ang eroplano at ngayon nga ay maglalanding na sa NAIA airport. Ilang oras din ako nakatulog, isang malamyos na tinig ng attendant ang tuluyang nagpaggising sa akin. "Good noon Sir, in about 30 minutes, we will land at NAIA airport, would you like to eat anything Sir?," tanong ng attendant sa akin. "Good morning, black coffee please and a french toast, a bottle of water also,that's all," wika ko sa kanya. Mukha naman nagpapacute ang attendant, matangkad ito at morena, slender ang pangangatawan, 'yun bang pangmodelo. "Sure sir, wait for a moment," ngiting tugon niya. Kahit ano pang pagpapacute ang gawin niya, hindi uubra sa akin. I hate girls flirting with me. Obvious naman that this attendant has a thing for me. Nang bumalik siya at hinatid ang aking order ay nagpasalamat ako at hindi na siya pinansin pa. Tila yata napahiya ang attendant kaya't nagexcuse na rin ito sa akin. I get turn off with flirt woman, for me they are easy and hindi mapagkakatiwalaan. Sa loob ng sampung taon, walang babae ang nakapasok sa kaibuturan ng aking puso at isipan. I had no girlfriends, only s*x toys and one- night stands. I drink my black coffee and eat the french toast. Nang matapos sa pagkain, nagbanyo ako at nagtoothbrush. Nang bumalik ako sa lounger seat, wala na ang aking pinagkainan, malinis na ito. Narinig ko ang piloto na nagaanunsyo sa nalalapit na paglanding. Inayos ko ang aking sarili at tinanggal ang aking shade na kagabi pa nakatakip sa aking mata, nakatulog na lang ako at nakakain, hindi ko man lang ito napansin kung hindi ako tumingin sa glass window ng eroplano. Tinawanan ko na lang ang aking sarili, ganito siguro kapag excited ka makita ang babaeng tinitibok ng iyong puso.Pati malilit na bagay ay nakakalimutan na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD