Eliza POV "Kumusta Toning?" sabi ko sa kanya sabay abot ng isang beer in can ng matapos na kaming kumain. Nagpapahangin at nakatunghay siya sa mga bituin sa langit ng naabotan ko siya sa aming munting hardin sa likod ng bahay. Isa ito sa mga libangan ni Inay Linda ng patigilin ko na siyang magtinda sa palengke. Ayon pa sa kanya nakakalibang ang paghahalaman at nakakawala ng pagkabagot. Nasisiyahan din ako sa kinalabasan ng kanyang pag-aalaga sa aming halaman na ngayon ay malalago na at kaaya-aya sa paningin. "Anong kumusta? ikaw ang dapat kung kumustahin Esay? Ngayon, nakapagtapos ka na, tuloy pa rin ba ang iyong plano?" "Walang nagbago Toning parehas pa rin ng dati. Ikakasa ko ito hanggang uli," seryoso kung sabi sa kanya. "Good, good! Tandaan mong nandito lang ako parati para suport

