Eliza POV Warning SPG "Hop in beautiful lady," isang baritonong boses ng lalake ang naulinigan ko ng may BMW na huminto sa aking harapan na nakababa ang salamain sa passenger seat sa harapan. Tumingin naman ako sa aking likuran upang siguraduhin kung ako ang kanyang tinatawag, hindi kasi ako basta-basta nagtitiwala sa hindi ko kilala.Isa pa madilim na ang paligid at mapusyaw ang tanging ilaw na nasa poste kung saaan ako naghihintay kay Anton. "Hey, it's me your bespren, Anton," magiliw niyang sabi sabay bukas ng pinto sa passenger seat. Kahit sobra akong nagtaka sa porma ni Anton ay agad din akong sumakay sa tabi niya sa passenger seat. Hindi ko inintay na kabitan niya ako ng seatbelt, ako na mismo ang umayos ng aking safety belt at agad ding hinarap siya upang ipaliwanag ang bagong n

