Babawi... Kahit pa nga hirap na hirap ako sa paglunok ng pagkain, nairaos ko naman ang hapunan ng hindi nabubulunan. Hindi masyadong maingay sa kanilang hapag. Nakakatuwa na kahit pa anong gulo nila Ulap at ni Lexo ay nakagawian nilang igalang ang pagkain lalo na kung nandirito sila kasama ng kanilang lola. Ihinatid din ni Aedree si Rhen na napag alaman kong second- degree cousin pala nila na kaedad din ni Aedree. Kaya naman ang kabang mayroon ako ay bahagya na ding nabawasan. Maagang namahinga ang kanilang lola na sinamahan pa talaga nila Ulap sa kanyang silid. Ngayon ko narealize na talagang makalola sila. Ang mama naman nila Aedree ay ihinatid nila sa sarili nitong tahanan. Ipinikit ko ang aking mga mata, ang aking mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa sandalan ng upuan. Ninamnam ko

